Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
Ang Regalo ng isang Pamana
Si Craig Groeschel, na nag-papastor ng isa sa mga pinakamalalaking simbahan sa Amerika, ay nagtanong ng isang katanungan na madalas kong pinag-iisipan kamakailan: "Bakit ang tanging pagpapala mula sa Diyos na hinihingi natin ng paumanhin ay ang kayamanan?"
Iyan ay isang napakagandang katanungan. At sa palagay ko ay alam ko ang sagot: Maraming tao ang hindi nauunawaan na, sa totoo lang, ang kayamanan ay isang pagpapala mula sa Diyos!
Nakatira tayo sa isang kultura na puno ng mga nakalalasong tinig tungkol sa kayamanan. Sinisikap ng mga tinig na ito na iparamdam na nagkakasala tayo sa paggawa ng mga bagay sa tamang paraan at sa pagsagana mula sa ating mga pagsusumikap. Ayon sa mga ito, dapat tayong makaramdam nang masama sa pagiging produktibo at pagkamalikhain kapag ito ay humantong sa tagumpay.
Tatlumpung araw na ang nakalipas, sinimulan mo ang paglalakbay na ito sa pamamagitan ng pagtingin sa Ang Mangangaral 5:19. Ngayon, nakumpleto mo na ang buong lupon. Natutunan mo ang tungkol sa kapangyarihan ng isang pamana at kung paano gawin ang mga unang hakbang patungo sa pagbuo ng isang bagay na tatagal kaysa iyong buhay. Ito ay isang magandang pagkakataon upang tingnan muli ang mga salita ni Solomon: Ang salapi at kayamanan ay mga kaloob ng Diyos! Ang mga ito ay mga gantimpala para sa matapat na paggawa.
Umusad sa katotohanang iyon.
Gusto kong hamunin ka na lumaban sa mga tinig na nagsasabi sa iyo na masama ang kayamanan. Gusto kong magtayo ka ng kayamanan at magretiro sa dignidad. Gusto kong baguhin mo ang iyong talaangkanan at ganap na baguhin ang iyong pamayanan. Gusto kong isipin mo kung ano ang magagawa ng bayan ng Diyos para sa kaharian ng Diyos kung wala silang utang at pinangangasiwaan nila ang pananalapi ng Diyos ayon sa Kanyang mga prinsipyo!
Tandaan lamang na tinawag kang magtatag ng kayamanan para sa kaharian ng Diyos. Hindi ako interesado sa pag-impok mo ng mga bagay o pagsubok mong gamitin ang mga bagay-bagay upang pasayahin ang sarili mo. Ang pagtatatag ng kayamanan ay tungkol sa pangangasiwa, hindi pagmamay-ari. Hindi tungkol sa iyo ang pagiging mayaman; ito ay tungkol sa pagiging mayaman ng Diyos at sa iyong pamamahala ng yamang iyon para sa Kanyang kaluwalhatian.
Iyan ang mensahe ng Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana. Matagumpay mo nang nagawa mo ang unang hakbang sa mga debosyong ito. Ipagpatuloy mo lang!
Upang matuto nang mas higit pa tungkol sa Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana, mangyaring bisitahin ang daveramsey.com/legacy.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More