Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa

The Legacy Journey

ARAW 30 NG 31

Pinagpala Upang Maging isang Pagpapala

Nauunawaan ng mga tao sa buong mundo ang kaibahan ng isang bukas na kamay at isang nakatikom na kamao. Ang una ay tumatanggap, samantalang ang isa naman ay nagsisimbolo ng karahasan at galit. Isang beses sinabi ni Dr. Billy Graham, "Ang Diyos ay nagbibigay sa atin ng dalawang kamay: ang isa ay upang tumanggap at ang isa naman ay upang magbigay." Sa Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana, dalawang kamay ang kailangang manatiling nakabukas.

Binibigyang-diin ng Biblia ang mga bukas na kamay sa simula pa lamang ng Genesis. Nang tawagin ng Diyos si Abram (na sa kalaunan ay kilala bilang Abraham) sa isang bagong lupain, ipinangako Niya na gagawin siyang isang dakilang bansa. Ngunit sinabi rin Niya na ang mga pagpapala ni Abraham ay magpapala rin sa iba. Siya ay pinagpala upang maging isang pagpapala.

Pinagpala tayo upang pagpalain rin ang iba. Iyan ang dahilan kung bakit ka inililipat sa Ngayon, patungo sa Kasunod, Tayo, hanggang sa Sila. Dadalhin ka ng Diyos mula sa pakikibaka upang mabuhay sa hindi kapani-paniwalang kabutihang-loob na magpapabago sa iyong talaangkanan at magbabago rin sa mundo.

Sa aklat na The Spirit of the Disciplines, ipinapaliwanag ni Dallas Willard na kung ang mga mananampalataya ay maniniwala sa kasinungalingang ang kayamanan ay masama, isusuko nila ang lahat ng bagay. Walang matitira para sa kaharian ng Diyos, habang ang kabilang panig ay sapat ang pondo upang palawakin ang naaabot ng kasamaan.

Kung pababayaan ng mga Mga Cristiano ang ating pananagutan, nag-iiwan tayo ng napakalaking vacuum. Ang mga kulambo para sa lamok ay hindi mabibili. Hindi mahuhukay ang mga balon. Ang mga bakuna ay hindi maiipagkakaloob. Ang mga bata ay hindi mapapakain. Ang mga pangangailangan ay hindi matutugunan dahil hindi ito ginagawa ni Satanas para sa mga tao.

Isang beses ay sinabi ni Margaret Thatcher, dating punong ministro ng Britanya, "Hindi maaalaala ang Mabuting Samaritano kung magandang intensiyon lamang ang mayroon siya. Mayroon din siyang salapi." Ang paghawak ng pera ay mga pamamaraan ng Diyos at nangangailangan ng mahusay na pamamahala, ngunit nangangailangan din ito ng bukas na kamay.

Tulad ni Abraham, ikaw ay pinagpala upang maging isang pagpapala. Hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung ano ang dapat na maging hitsura nito—at kung paano mo ito dapat isabuhay—sa iyong paglalakbay patungo sa iyong pamana.

Ang Diyos ang nagmamay-ari ng lahat ng ito. Tayo ay mga tagapamahala. Lahat ng bagay—ang ating panahon, mga talento, mga mapagkukunang yaman at mga relasyon—ay mga kaloob mula sa Diyos, at tayo ay pananagutin Niya kung paano natin ginagamit ang mga ito. Dadalhin ka pailalim ng Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana sa Salita ng Diyos, habang inilalantad ang Kanyang pananaw sa kayamanan, ang iyong pansarili at pampamilyang pamana, at kung paano Niya nais gamitin ka upang paunlarin ang Kanyang kaharian. Upang matuto nang mas higit pa bisitahin ang daveramsey.com/legacy.

Banal na Kasulatan

Araw 29Araw 31

Tungkol sa Gabay na ito

The Legacy Journey

Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Ramsey sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang daveramsey.com/legacy