Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
Mga Hand-Me-Down
Noong bata pa ako, malapit lang sa amin nakatira ang aking lolo, kaya medyo nakilala ko siya. Ngunit mas naging malapit ako sa kanya noong pumasok ako sa kolehiyo dahil malapit lang ang aking paaralan sa kanyang bahay.
Naalala ko pa noon na kung may oras ako sa gitna ng mga klase o tuwing tanghali ay nagpupunta ako sa kanyang bahay upang mananghalian. Kung sa bagay, napakahalaga ng mga libreng lutong-bahay sa mga nag-aaral sa kolehiyo! Mayroon pa siyang mga tanim na kamatis, at kukuha kami mula sa mga tanim niya upang ilagay sa tinapay na may karne. Noon, napakalaking bagay na sa akin ng mga iyon.
Ngunit ang pinakapinahahalagahan kong mga ala-ala ay iyong mga nakaupo lang kami at nag-uusap tungkol sa buhay. Nakita at naranasan niya ang mga bagay-bagay sa mga kahanga-hangang matang iyon ng aking lolo, at ibinahagi niya sa akin ang karunungan niya. Isang mabuting tao talaga ang aking lolo at ang dami niya naituro sa akin.
Sinasabi sa Mga Kawikaan 19:14 na ang bahay at kayamanan—at, ipagpalagay natin, na pati ang karunungan upang pamahalaan ng maayos ang mga ito—ay namamana henerasyon sa henerasyon. Kapag nababasa ko ang bersikulong iyon, mas pinahahalagahan ko ang mga ninuno ko, at talagang napapahanga ako ng lolo ko.
Ngayon, paano kung ikaw ay isang lolo o lola na nagpasa ng karunungan sa paghawak ng pananalapi? Paano kung mayroon kang isang milyong dolyar at tinuruan mo ang mga anak at apo mo kung paano ito pangasiwaan para sa kaluwalhatian ng Diyos? Tatawagin ko 'yang isang marangal na pagtawag. Aayusin ko ang pagkakaupo ko at mas seseryosohin ko ang paglalakbay patungo sa pamana.
Nakakalungkot, maraming pamilya ang nagpapasa lamang ng tradisyon ng pagkonsumo at pagkamakasarili kaysa pagkamaayos at pagbabago ng kanilang talaangkanan. Ngunit kahit na ganito na ang nasa kasaysayan ng iyong pamilya, maaari mo pa namang putulin ang nakakalasong huwaran na ito. Maaari kang magtatag—at mag-iwan—ng isang pamanang makapagpapabago sa mga darating na henerasyon.
Turuan mo ang iyong pamilya na pangasiwaan ang pananalapi ng Diyos sa mga pamamaraan ng Diyos. Magbigay nang higit sa isang pamana. Bigyan mo sila ng karunungan na magamit ang kayamanan sa mabuting paraan para sa kaharian ng Diyos
Lumikha ng isang pangmatagalang pamana na hindi lamang basta-basta. Kailangan mo maging intensyonal, at kailangan nitong maging higit pa sa mismong salapi. Kailangang panatilihin mo ang iyong pananampalataya at mabuting asal upang makapagtatag ng isang pangmatagalang tradisyon. Bibigyan ka ng Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana ng isang biblikal na balangkas para sa pagpapalago ng iyong salapi, paniniguro ng hinaharap ng iyong pamilya, at pag-iwan ng pamana para sa mga darating ng henerasyon. Upang matuto nang mas higit pa, bisitahin ang daveramsey.com/legacy.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More