Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa

The Legacy Journey

ARAW 28 NG 31

Tahimik na Pagbibigay

Isang palantandaan ng mga nagwagi sa pananalapi ang pagbibigay. Iyon ay sa kadahilanang tayo ay nilikha sa larawan ng Diyos, at Siya ay sagana kung magbigay. Ibinigay Niya ang Kanyang Anak (Juan 3:16), at pinagpala ang Kanyang mga anak nang nag-uumapaw. Kung kaya inaasahan Niya rin ang Kanyang bayan na magbigay nang bukas-palad.

Mahalaga ito dahil nakatira tayo sa isang tila makasariling kultura. Nakatutuksong mag-impok ng mga kung anu-ano para sa ating mga sarili, ngunit tinatawag tayo ng Diyos upang pagnilayan ang Kanyang pagkatao at kabutihang-loob. Sa katunayan, ang hindi kapani-paniwalang kabutihang-loob ang lunas sa hindi kapani-paniwalang pagkamakasarili.

Ngunit dapat rin tayong mag-ingat sa ating pagbibigay. Sa Mateo 6:3-4, hinikayat tayo ni Jesus na lihim na magbigay kaysa kabaligtaran. Sinabi niyang ang paglilimos ay dapat na ginagawang pribado at hindi ipinapaalam sa iba. Ito ay dahil kapag ikaw ay nagbigay nang hindi nagpapakilala, agarang sinasabi ng mga tao na, "Diyos ang may gawa nito." Sa Kanya ang papuri, at iyon naman talaga ang layunin ng pagbibigay sa Pagtatatag ng Pamana.

Inaamin ko, medyo hirap ako sa bagay na ito. Madalas akong nasa spotlight o nasa pansin ng madla, at gustung-gusto ko ang magbigay. At may bahagi sa akin na gusto kong nakikita ang pangalan ko sa mga gusali. Ngunit mapanganib na pag-iisip iyon dahil nasa sa akin lamang ang tuon. Kaya kailangan kong magsikap nang husto upang panatilihing lihim ang karamihan sa mga bagay-bagay. Sa ganitong paraan, mas nagiging puro ang aking mga motibo at mas nabibigyan ko ng nararapat na karangalan ang Diyos.

Magbigay, ngunit magbigay ng may mga tamang motibo. Gawin ito nang tahimik, at masayang panoorin kung paano gamitin ng Diyos ang mga resulta.

Ngayon, makakahanap ka ng ilang eksepsyon. Minsan, ang pagbibigay mo ay makakapagbigay-inspirasyon sa iba upang magbigay. Maaari mong makita ang sarili mo na nasa posisyon kung saan ang impluwensiya mo ay maaaring makagawa ng isang malaking pagbabago. Ngunit kadalasan, mas mainam na sundin mo na lamang ang payong ibinigay ng manunulat na si Charles Dickens: "Gawin mo ang lahat ng kabutihang magagawa mo at hangga't maaari ay huwag na itong palakihin pa."

Ang totoong kabutihang-loob ay sumasalamin sa pagtawag ng Diyos sa ating mga buhay, ngunit kailangan ng pagpaplano at paunang pag-iisip upang maramdaman ang kapangyarihan na makapagbigay nang lubos. Gagabayan ka ng Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana sa mga mahahalagang bahagi ng pagbibigay at isang solidong plano upang pasimulan ka sa iyong daan tungo sa pagsasabuhay ng isang buhay na masagana. Matuto nang mas higit pa sa daveramsey.com/legacy.

Banal na Kasulatan

Araw 27Araw 29

Tungkol sa Gabay na ito

The Legacy Journey

Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Ramsey sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang daveramsey.com/legacy