Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
![The Legacy Journey](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F818%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Pagbibigay nang may Kagalakan
Naniniwala akong ang pagbibigay ang pinakamasayang bagay na maaari mong gawin gamit ang salapi. Maaari kang bumili ng mga bagay para sa iyong sarili o sa iyong pamilya, at maganda iyon. Ngunit mayroong mas kahanga-hangang bagay tungkol sa pagbibigay kung ito ay para punan ang mga pangangailangan ng isang tao. Kapana-panabik iyon! Minsan napapaisip tuloy ako kung sino ang mas pinagpapala, ako ba o iyong taong nakatatanggap ng regalo.
Kadalasan ay iniisip ko na ako iyon!
Sinabi ni Pablo sa mga Cristiano sa Corinto na ang pagbibigay ay hindi dapat isang parang gawaing bahay o isang obligasyon. Hindi ito dapat mabigat para sa atin. Dapat ay pinasasaya tayo nito. Tayo ay tinawag upang maging mga nagagalak na tagpagbigay! Iyon ang saloobin na nagpapangiti sa Diyos. Kung sa bagay, Siya ay mapagbigay, at nilikha tayo ayon sa Kanyang larawan.
Sa Griyegong salin ng Bagong Tipan, ang salitang "nagagalak" ay malapit sa salitang Ingles na "hilarious." Kaya maaari nating tingnan ito at sabihing, "Mahal ng Diyos ang isang maingay at nakakatawang tagapagbigay." Pag-isipan mo kung ano ang hitsura ng iyong simbahan na nagpapasa-pasahan ng plato ng mga alay isang umaga ng linggo. Malamang ang lahat ay natatawa habang ipinapasa ang plato!
Nakakatuwang isipin, ngunit ito ay eksaktong paglalarawan kung paano tayo tinawag upang ituring ang pagbibigay. Hindi ito magalang na ngiti o maliit na tawa. Kung ito ay talagang nakakatawa, isa itong napakalaking halakhak mula sa tiyan. Nagmumula sa mga kuko ng ating mga paa at hindi natin ito napipigilan. Ito ang uri ng pagtulong na dapat nating makuha mula sa masaganang pagbibigay.
Sa kabilang banda, ang mga taong mahigpit ang paghawak sa pananalapi ay madalas na mababa ang pagkamalikhain. Nagkukulang sila ng sigla sa buhay dahil lahat ng kanilang enerhiya ay natutuon sa pagprotekta ng kanilang materyal na gamit. Subalit pinalalaya ka ng pagbibigay. Mula sa iyo ay nagpapakawala ito ng isang maka-Diyos na simbuyo ng damdamin at hinahayaan ka nitong maabot mo ang lubos mong potensyal.
Suriin mo ang iyong saloobin patungkol sa pagbibigay. Hilingin sa Diyos na palayain ka at ipakita sa iyo ang nakakatawang pagbibigay. Tutal, pinaiinit ng may kagalakang pagbibigay ang Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana. Kapag nabigo ang lahat, nananalo ang pagbibigay. Hindi ka matatalo kapag pinili mong maging mapagbigay.
Kapag handa ka nang tuluyang magbigay, kailangan ng pagpapalano at paunang pag-iisip upang maramdaman ang kapangyarihang makapagbigay nang lubos. Gagabayan ka ng Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana sa mga mahahalagang bahagi ng pagbibigay at tuturuan ka ng isang solidong plano upang pasimulan ka sa iyong daan sa pagsasabuhay ng isang buhay na masagana. Matuto nang higit pa sa daveramsey.com/legacy.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![The Legacy Journey](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F818%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More
Mga Kaugnay na Gabay
![Paghahanap ng Iyong Paraang Pananalapi](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1028%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paghahanap ng Iyong Paraang Pananalapi
![Mas Mahusay Kapag Sama-sama](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1650%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mas Mahusay Kapag Sama-sama
![Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11397%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos
![Ang Pagbabagong-Anyo ng Alibughang Anak ni Kyle Idleman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1321%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Pagbabagong-Anyo ng Alibughang Anak ni Kyle Idleman
![Ang Kaluwalhatian ng Hari](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3490%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Kaluwalhatian ng Hari
![Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa Panginoon](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1041%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa Panginoon
![Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1355%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos
![Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1032%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu
![Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1286%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob
![Anthem: Ang Kwento ng iyong Biyaya](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F53880%2F320x180.jpg&w=640&q=75)