Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
Salinlahing Pamana
Ang mga pamanang mabubuhay nang mas matagal pa sa iyo ay hindi tungkol sa materyalismo. Hindi ito tungkol sa pagtatatag ng kayamanan para sa sarili mong kapakanan o paglikha ng kayamanan upang hindi na magtrabaho ang iyong mga anak. Tungkol ito sa isang matatag, pang-habang buhay na proseso at pagtuturo sa iyong mga anak kung paano humawak ng salapi sa pamamaraan ng Diyos dahil iyon ang pagtawag ng iyong pamilya.
At ang mas mahalaga pa rito, ang pagpasa ng salinlahing pamana para sa gawain ng Diyos ay biblikal. Maraming halimbawa ang makikita sa biblia tungkol sa mga pamilya na nagtatag at nangasiwa ng kayamanan para sa kaluwalhatian ng Diyos.
Halimbawa, sinasabi ng Biblia na si David ay isang lalaking mula sa sariling puso ng Diyos, at isa sa kanyang mga ninanais ay ang magtayo ng templo para sa Diyos sa Jerusalem. Ngunit pinagpasyahan ng Diyos na hindi si David bagkus si Solomon, ang anak ni David, ang magtayo nito.
Kung kaya, ano ang ginawa ni David? Sa 1 Mga Cronica mababasa natin na ipinasa niya ang kanyang mga ari-arian—isang napakalaking kayamanan—kay Solomon para sa proyektong templo. Sa katunayan, isang ekonomista ang nagpalagay na ang pamana ni David ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa $21 na bilyon sa halaga ng dolyar ngayon.
Minsan naiisip natin na isang pastol si David na may alpa o isang mandirigma na may dalang tirador. Ngunit si Haring David ay isang bilyonaryo! Siya ang Bill Gates o Warren Buffet ng panahon niya. At ipinasa niya ang kayamanang iyon sa kanyang anak, na ginamit ang salaping iyon upang magtayo ng templo para ilapit ang sangkatauhan sa Diyos!
Ganoon dapat iyon. Tinatawag ng mga salinlahing pamana ang mga pamilya upang pamahalaan ang pananalapi para sa kaluwalhatian ng Diyos ngayon at sa hinaharap. Hindi natatapos ang pananagutan sa pinuno ng sambahayan; ipinapasa ito sa susunod na henerasyon.
Nanghihingi ito ng ibang antas ng pangangasiwa—isang antas na nagpapalaki ng kaharian ng Diyos mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. Simulan ang pagplano kung paano mo ito ipapasa sa iyong pamilya at simulan na rin ang paghahanda ng iyong pamilya para sa pagbabago. Bahagi ito ng iyong pananagutan kung magtatatag ka ng isang pamanang mabubuhay nang mas matagal pa sa iyo.
Ang paglikha ng isang salinlahing pamana ay nangangailangan ng pagpaplano at paghahanda. Bibigyan ka ng Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana ng isang malalimang pang-unawa tungkol sa pamumuhunan, batayang pagpaplano ng estado, at pangangalaga ng iyong pamilya, at pagtuklas ng mga susi sa pagkakaroon ng salinlahing pamana at totoong kabutihang-loob. Upang matuto nang higit pa, bisitahin ang daveramsey.com/legacy.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More