Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
![The Legacy Journey](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F818%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Pampamilyang Konstitusyon
May ilang mga tao ngayon ang nagsasabing mas espirituwal na iwan ang iyong mga ari-arian sa isang hindi pangkalakalan na organisasyon o institusyon kaysa sa iyong pamilya. Ngunit maling takbo ng pag-isiip iyon. Kung mahal ng mga anak mo si Jesus at sinanay mo sila kung paano humawak ng salapi sa pamamaraan ng Diyos, wala kang magiging problema sa pag-iwan mo ng iyong kayamanan sa susunod na henerasyon.
Subalit mayroon kang pananagutan na ilagay sa mabuting kalagayan ang iyong mga anak. Kailangan mong itanim sa kanila ang moral na lakas upang makayanan ang responsibilidad. Kailangan mong siguruhin na hindi sila masisira ng salapi at susundin nila ang plano ng Diyos para rito.
Isang magandang kasangkapan sa pagtatatag ng mga mabubuting asal sa mga buhay ng iyong mga anak ay ang pampamilyang konstitusyon. Tinutukoy ng isang pampamilyang konstitusyon ang mga kaugaliang pinahahalagahan ng inyong pamilya pati na rin ang mga hindi magagandang bagay. Nagtatakda ito ng mga hangganan at diretsahang sinasabi sa mga miyembro ng pamilya na, "Hindi mo gugustuhin sa labas ng mga hangganan. Mas masaya kung nasa loob ka ng mga ito."
Habang ang konstitusyon ay nakabatay sa natatanging sitwasyon ng iyong pamilya, dapat itong magsimula sa isang pahayag ng misyon ng inyong pamilya. Sinasabi nito kung sino kayo bilang pamilya. Sa Ramsey Family Constitution, ginamit namin ang Josue 24:15. Iyon ang pinakabuod kung sino kami para sa amin. Paglilingkuran namin ang Diyos. Hanggang kaya kong may gawin tungkol dito, gagamitin ko ang pwersa ng aking pagkatao at panghihikayat upang umusad kami sa direksyong iyon.
Dapat mong itatag ang inyong pampamilyang konstitusyon sa isang biblikal na pundasyon at gabayan ang iyong pamilya na isabuhay ang mga pinakamahahalagang prinsipyong ito araw-araw. Kailangan mo ring lumikha ng isang konseho sa pamilya na magsusuri at magrerebisa ng dokumento sa isang regular na batayan, at kailangang magsaad rin ng isang paraan para sa pagpapanumbalik sa mga alibughong maliligaw ng landas.
Kung hindi mo pa nasisimulan, tipunin mo na ang iyong pamilya upang sama-samang tukuyin kung ano ang ibig sabihin ng isang pampamilyang konstitusyon para sa inyo at itatag ito sa paraang magbibigay daan sa mga darating na pamana.
Nais mo ba ng mas maraming impormasyon sa paghubog ng inyong sariling pampamilyang konstitusyon? Gagabayan ka ng Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana sa prosesong ito habang pinagkakalooban ng isang biblikal na balangkas para sa pangangalaga ng iyong pamana at kinabukasan ng iyong pamilya. Upang mas higit pang matuto bisitahin ang daveramsey.com/legacy.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![The Legacy Journey](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F818%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More
Mga Kaugnay na Gabay
![Paghahanap ng Iyong Paraang Pananalapi](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1028%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paghahanap ng Iyong Paraang Pananalapi
![Mas Mahusay Kapag Sama-sama](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1650%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mas Mahusay Kapag Sama-sama
![Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11397%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos
![Ang Pagbabagong-Anyo ng Alibughang Anak ni Kyle Idleman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1321%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Pagbabagong-Anyo ng Alibughang Anak ni Kyle Idleman
![Ang Kaluwalhatian ng Hari](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3490%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Kaluwalhatian ng Hari
![Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa Panginoon](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1041%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa Panginoon
![Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1355%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos
![Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1032%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu
![Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1286%2F320x180.jpg&w=640&q=75)