Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana
Ilang taon na ang nakalipas, nawala sa akin ang lahat. Nang ako'y 26, nagmamay-ari ako ng $4 na milyon sa real eastate, ngunit itinatag ko ang aking imperyo sa utang at mga maling desisyon. Kaya, nang nagsimulang maningil ang bangko, gumuho ang lahat. Nabangkarote ako sa edad na 30.
Nakilala ko ang Diyos sa aking pag-akyat. Ngunit mas nakilala ko Siya sa aking pabagsak! At habang mas nakikilala ko Siya, nagsimula kong maintindihan ang mga pangunahing prinsipyo sa pananalapi mula sa Biblia. Natutunan ko ang pag-iwas sa mga utang, pamumuhay sa isang budget, pamumuhay nang mas mababa sa kung ano ang aking kinikita, at pagtitipid at pamumuhunan. Iyon ang nanggising sa akin. Para bang naririnig ko Siyang nagsasalita sa akin ng, "Gising! Sa maling daan ka nagpupunta!"
Kasabay ng aking pagkamulat, napagtanto kong kinailangan kong magtanda. Kailangan kong magkaroon ng isang ganap na pananaw ng kayamanan, isang biblikal na pananaw na kumikilala sa pagmamay-ari ng Diyos at sa aking pananagutan na pangasiwaan ang kanyang mga nilikha para sa Kanyang kaluwalhatian.
Ganoon rin ang pananaw ni Solomon sa Ang Mangangaral 5:19. Ang kayamanang pinagpaguran ay kaloob ng Diyos, ngunit binibigay Niya ito nang may hangarin. Inaasahan Niyang pakikinabangan natin ito upang itayo ang Kanyang kaharian at upang itatag ang isang pamanang magbibigay kaluguran sa Kanya sa mga susunod na taon.
Sa susunod na 30 araw, mas mauunawaan mo kung ano ang kahulugan ng pagtatatag ng ganoong uri ng pamana. Matututunan mo kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kayamanan at kung paano masisigurong hindi nito makokontrol ang iyong sarili at ang iyong pamilya. Matututunan mong tamasahin ang kaloob ng Diyos habang ginagamit ito upang gumawa ng isang kaibahan sa iyong pamayanan at sa buong mundo.
Kailangan mong maunawaan na ito ay isang paglalakbay. Ang pagtatayo ng isang maka-Diyos na pamana ay kinakailangan ng oras at pagsusumikap. Kailangan nito ng disiplina at dedikasyon. Isa itong mapaghamong biyahe.
Ngunit tiyak na sulit kung iyong tatahakin.
Nais mo bang lumalim pa ang iyong kaalaman sa kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan? Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana ay isang makabago, batay sa biblia na pag-aaral na nagbibigay balangkas kung paano intensyonal na mamuhay sa ngayon upang makapag-iwan ng isang pamanang sisiguro sa hinaharap ng iyong pamilya at makagawa ng isang magtatagal na epekto sa mundo. Bisitahin ang daveramsey.com/legacy para sa karagdagang impormasyon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More