Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
Kaligtasan sa Payo
Noong nagsimula akong magbenta ng mga bahay, napagtanto kong malaki ang aking problema. Alam kong mahirap paniwalaan, pero napakadaldal ko. Kung anu-anong mga detalye ang sinasabi ko sa mga kliyente tungkol sa mga tampok, kontrata, impormasyon sa lugar at distrito at kung anu-ano pa. At mas napakaraming beses kaysa gusto ko man aminin, kaya ko rin tanggihan ang mga pinagsasasabi ko kung ako ang kliyente.
Kalaunan, natutunan kong makinig nang mas mabuti. Natutunan ko ring huwag pa-kumplikahin ang proseso gamit ang mga walang kabuluhang salita.
Maaaring maging ganoon ang pamumuhunan. Kapag nagsimula nang magsalita ang mga "dalubhasa" tungkol sa mga pagpipilian, mga paraan, at mga tricks, kumikinang na ang ating mga mata. Sa huli, kung hindi ka tuluyang susuko ay pipirma ka na lang sa kung anumang ihandog sa harapan mo ng tagapayo—alin man sa mga ito ay hindi matalinong pagkilos.
Ang katotohanan ay ang mga taong nagpapayaman ay pinananatiling simple ang mga bagay-bagay. Sa katunayan, hindi ka dapat mamuhunan sa isang bagay na hindi mo naiintindihan, at hindi ka dapat bumibili ng kahit na anong hindi mo kayang ipaliwanag sa ibang tao.
Dito pumapasok ang katotohanang hatid ng Mga Kawikaan 11:14 sa pagpaplano ng iyong mga pananalapi. Ang mga matatalinong tagapayo ay uupong kasama ka at tutulungan kang maintindihan ang mga kailangan mong malaman at bakit. Tutulungan ka rin nilang iwasang gumawa ng mga desisyong pagsisisihan mo balang araw.
Hindi ko tinutukoy ang mga taong minamaliit ka o nagpaparamdam sa iyo na wala kang alam. Hindi rin ang mga taong tatakutin ka para gawin ang isang bagay. Ang mga taong iyon, tatlong salita lamang ang kailangan nilang marinig mula sa iyo: "Tanggal ka na!"
Sa halip, kailangan mo ng isang matalinong tagapayo na may pusong katulad ng sa isang guro. Ang pinansyal na tagapayo ay isang napakahalagang bahagi ng iyong grupo, kaya maghanap ka ng isang magpapaliwanag sa iyo ng lahat-lahat at gagabay sa iyo sa paggawa ng mga pinakamabubuting desisyon.
Ang iyong pamana ang nakataya dito. Manalig sa mga tagapayong pananatilihin ka sa tamang daan.
Kung nais mo ng isang payo tungkol sa pamumuhunan mula sa isang tao na may pusong katulad sa isang guro, makipag-ugnayan sa isa sa aming mga Endorsed Local Provider. Ang mga dalubhasang ito sa iyong lugar ay makatutulong sa iyong pagpapalano ng iyong puhunan para sa hinaharap. Upang mas matuto nang mas higit pa, bisitahin ang daveramsey.com/elp.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More