Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
Ang Pagkakuntento ay Hindi Kawalan ng Damdamin
Ang mga taong kuntento ay hindi laging nagtataglay ng lahat ng pinakamagagandang bagay, pero lagi nilang ginagawa ang pinakamahusay sa lahat ng bagay. Ibig sabihin sila ay laging aktibo—laging kumikilos patungo sa isang layunin.
Iniisip ng ibang tao na ang mga taong kuntento, lalo na ang mga kuntentong Cristiano, ay wala nang kailangan gawin kung hindi ang umupo maghapon at manalangin. Maaaring naniniwala sila na ang kutentong mananampalataya ay isa lamang espiritwal na dikya o isa lamang patak na hindi nakikipag-ugnayan at hindi nagdudulot ng alitan. Ngunit wala sa mga iyon ang totoo.
Gusto mo ng patunay? Tingnan mo ang alagad na si Pablo. Kung nabasa mo ang mga Kasulatan, alam mo na isang tulin lamang ang alam ni Pablo. Matulin siyang tumakbo bago niya makilala si Jesus at matulin rin pagkatapos niyang makilala si Jesus. Hindi niya kailanman tinanggal ang kanyang paa sa pedal. Ang nabago lamang ay ang kanyang direksyon!
Sa kanyang liham sa Mga Taga-Filipos, sinabi ni Pablo na marami pa siyang dapat gawin. Naunawaan niyang mayroon pa ring misyon ang Diyos para sa kanya, kaya hindi siya uurong. Bilang resulta, lagi siyang nagpapakahirap para sa hinaharap at nagsusumikap patungo sa layuning mas maging katulad ni Cristo.
Iyan ba para sa iyo ang parang dikya? Hindi rin para sa akin!
Ngunit gayundin naman, siya ay kuntento. Pinatunayan niya na ang pagkakuntento ay hindi tungkol sa kawalan ng ambisyon o sidhi, at tiyak na ito ay hindi kawalan ng damdamin. Ngunit nangangailangan ito ng paglalagay ng ating mga materyal na pag-aari—at maging ng ating mga layunin at ambisyon—sa tamang perspektibo.
Huwag pagkamalian ang pagkakuntento at kawalan ng damdamin. Patuloy na magsumikap patungo sa layunin ng Diyos para sa iyo at gawin ito nang buong puso. Sundin ang Kanyang plano at ituloy ang Kanyang misyon. Iyon ang paraan ng Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana.
Upang matuto nang mas higit pa tungkol sa Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana at mga susi sa tunay na kasiyahan ng loob o pagkakuntento, bisitahin ang daveramsey.com/legacy.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More