Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa

The Legacy Journey

ARAW 15 NG 31

Pagkakuntento sa Lahat ng Bagay

Pagdating sa salapi, mayroon tayong tatlong lente kung saan maaari nating tingnan kung ano ang mayroon tayo. Dalawa sa kanila ang hindi nakakatulong sa ating kalusugan—minsan pa nga ay nakalalason. Ang ikatlo naman ay kumakatawan sa tamang pamamaraan kung paano gamitin ang ibinigay sa atin ng Diyos.

Isang paraan na mapagpipilian natin upang tingnan ang kayamanan ay ang pagkakaroon ng diwa ng kapalaluan, na nagsasabing ang lahat ng mayroon ako ay nagmumula sa akin. Lahat ay naging posible dahil sa aking pagsusumikap. Ako ay nahirapan sa isang ito dahil pinahahalagahan ko ang pagsusumikap at pag-asa sa sarili, ngunit ang diwa ng kapalaluan ay walang kinalaman sa Espiritu ng Diyos.

Maaari rin nating tingnan ang kayamanan nang may diwa ng kahirapan. Sinasabi ng diwang ito na ang lahat ng mayroon ako ay masama dahil ito ay nagmula sa diyablo. Ang diwang ito ay nabubuhay sa pagkakasala at kahihiyan, at laganap ito sa buo nating kultura—kahit na sa loob ng simbahan. Ngunit ang diwa ng kahirapan ay naghahandog ng ibang baluktot na pananaw sa ating mga biyaya.

Ang malusog, biblikal na pananaw sa kayamanan ay ang diwa ng pasasalamat. Kinikilala ng diwang ito na ang lahat ng mayroon tayo ay mula sa Diyos at inaasahan Niya na gagamitin natin ito para sa Kanyang kaluwalhatian. Itinutulak ako ng pasasalamat na baguhin ang aking talaangkanan at gumawa ng pagbabago sa mundo.

Sa palagay ko ay naunawaan ni Pablo ang diwa ng pasasalamat. Sa katunayan, naniniwala akong pinagyaman niya ito upang makaranas siya ng pagkakuntento sa bawat sitwasyon. Sa Mga Taga Filipos 4:11, sinabi niyang natutunan niyang masiyahan anuman ang kanyang kalagayan. Napakagandang pakinggan, ngunit ang katotohanang isinulat niya ang mga salitang iyon mula sa bilangguan ay nagpapaalala sa atin na ito ay hindi lamang isang teorya para kay Pablo. Isinabuhay niya ito.

Ang pagiging kuntento sa lahat ng bagay ay hindi madali, ngunit ang pagsasabuhay ng diwa ng pasasalamat ay maaaring gumawa ng isang malaking pagbabago sa iyong buhay. Kung nitong mga huling araw ay nagigipit ka sa pagkakuntento, suriin upang makita kung nagkukulang ka rin sa pasasalamat. Ang dalawang ito ay dapat na magkasabay sa buhay natin dahil sa Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana ay isang paglalakbay ng pagkakuntento o kasiyahan ng loob.

Banal na Kasulatan

Araw 14Araw 16

Tungkol sa Gabay na ito

The Legacy Journey

Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Ramsey sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang daveramsey.com/legacy