Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa

The Legacy Journey

ARAW 20 NG 31

Ingatan ang Iyong Puso

Sa mahigit na 20 taon, tinuturo ko sa mga dumadalo sa Financial Peace University na protektahan ang kanilang pinansiyal na plano ng mga bagay tulad ng emergency funds at mga insurance policies. Inaamin kong hindi ang mga iyon ang pinakaglamorosong paksa sa mundo, ngunit mahalaga ang mga ito para sa iyong personal na pananalapi.

Habang patuloy pa rin akong naniniwala sa mga prinsipyong pundasyon na iyon, alam ko ring ang Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana ay makakatulong sa iyo nang malaki. Mahalagang protektahan mo ang iyong pamilya ngayon, ngunit dapat mo ring malaman kung paano pangangalagaan ang iyong pamana para sa hinaharap.

At ang pangangalaga sa iyong pamana ay nangangahulugang pangangalaga rin ng iyong puso!

Tama si Solomon sa Mga Kawikaan 4:23. Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan. Bakit? Dahil ang lahat ng ating mga ginagawa at ang lahat ng kung sino tayo ay nakaugat sa ating mga puso. Kung hindi natin ito maiintindihan, hindi natin maitatatag ang isang pamanang magpapatuloy kapag tayo'y pumanaw na.

Ang pagprotekta sa iyong pamana ay kinapapalooban ng pagiging gising at mapagbantay sa apat na mahahalagang relasyon. Una, kailangan mong pangalagaan ang iyong personal na pamana. Ikaw man ay mag-isa sa buhay o may-asawa, kailangan mong protektahan ang iyong personal na buhay dahil ang radikal na integridad ang isang palatandaan ng mga taong nagtatagumpay.

Pangalawa, kung ikaw ay may-asawa, dapat mong pangalagaan ang iyong kaugnayan sa iyong kabiyak dahil ang pagtatatag ng pamana bilang mag-asawa ay napakahalaga. Magkahawak ang mga kamay at braso sa braso ninyong tatahakin ang Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana. Iyon ay ang tadhana ng Diyos para sa iyo, kaya nararapat lamang na pangalagaan mo rin ang relasyon ninyo.

Pangatlo, kung mayroon kang mga anak, dapat mong pangalagaan ang iyong mga anak dahil sila ang kumakatawan sa iyong pamana bilang isang pamilya. Ang paggiit ng karapatan o Entitlement ang naghahatid ng kasiraan sa pamilya, kaya dapat mo silang turuan ng isang solidong etika sa pagtatrabaho at sanayin sila kung paano humawak ng salapi sa pamamaraan ng Diyos.

Panghuli, dapat mo ring pangalagaan ang iyong mga relasyon sa iyong mga kaibigan at mga pinalawak na miyembro ng pamilya. Hindi mo nanaising mamuhunan sa isang magulong pamilya o kumonsinte ng maling pag-uugali. Kaya, ang pagtakda ng mga hangganan ay tunay na mahalaga sa pagprotekta ng iyong pamana.

Hindi mo kailanman kakayaning magtayo ng isang bagay na may pangmatagalang halaga nang hindi nagiging matalino sa pangagasiwa ng mga relasyong malalapit sa iyong puso. Nakadepende sa iyo ang iyong asawa, mga anak at mga susunod pang henerasyon. Pangalagaan ang iyong pamana sa pamamagitan ng pagiging matalino para sa kaluwalhatian ng Diyos.

Banal na Kasulatan

Araw 19Araw 21

Tungkol sa Gabay na ito

The Legacy Journey

Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Ramsey sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang daveramsey.com/legacy