Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
Personal na Pamana
Ilang taon ang nakalipas, sumulat ang kaibigan kong si Tom Stanley ng isang aklat tungkol sa mga gawi ng mga milyonaryo na pinamagatang The Millionaire Next Door. Isa itong napakagandang libro at naging best-seller para sa kanya.
Sinundan niya ito ng isa pang aklat na pinamagatang The Millionaire Mind, kung saan pinag-aralan niya ang mga personal na katangian ng mga taong karaniwang may net worth na humigit kumulang $10 milyon at may taunang kita na $750,000. Maaari mong tawagin ang mga taong ito na mga decamillionaire. O pwede rin namang pagkayaman-yaman!
Nakatuon ang pananaliksik ni Tom sa paghahanap ng mga karaniwang katangian ng mga mayayamang indibidwal. Nang siya ay natapos, nalaman niyang ang pinakamahalagang kadahilanan ng tagumpay ng mga taong ito ay katapatan. Ang pinakakaraniwang katangian ng mga ubod ng yamang mga taong ito ay hindi kapani-paniwala, matinding integridad! Iyon ang pinakamahalaga sa kanila!
Isa iyong kawili-wiling hiblang nakatahi sa mga buhay ng mga matatagumpay na tao. Ngunit hindi na tayo dapat magulat pa. Bilang mga Cristiano, nararapat lamang na maging isang parang hiblang sinulid rin ang integridad sa ating mga buhay—anuman ang halaga ng ating mga pera sa bangko. Sinabi ni Pablo sa Mga Taga-Corinto na kung sinuman ang nais maging tagapamahala ay nararapat na maging tapat. Sa ibang salita, siya ay dpat magkaroon ng walang pag-aalinlangang integridad.
Mag-isa man sa buhay o may-asawa, mayroon tayong pananagutan na pangalagaan ang ating mga personal na buhay. Dapat nating alalahanin na pagmamay-ari ng Diyos ang lahat-lahat kung kaya hindi tayo dapat madaig ng mga bagay-bagay. Dapat tayong magkaroon ng kahabagan at kabutihan ng loob at hindi ng kapalaluan at kayabangan dahil pinalalaki ng pananalapi kung sinuman tayo.
Higit sa lahat, mayroon tayong pananagutan na maging tapat sa kung ano ang ibinigay sa atin ng Diyos. Dapat nating ipakita ang ating gulugod ng mabuting asal na tumutulong sa ating makayanan ang mas higit pa sa isang mapagkakatiwalaang paraan.
Hinuhubog ng personal na integridad ang iyong personal na pamana. Kung wala ito, panghihinaan ka ng loob at malalagay mo sa panganib ang iyong pamana.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More