Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
![The Legacy Journey](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F818%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang Pamana ng Pag-aasawa
Kung kasal ka na, dapat mong maintindihan ang isang bagay: Ang pagpapalago ng kayamanan ay isang larong pangkoponan. Hindi ninyo kayang mag-asawang magpalago ng kayamanan sa isang makabuluhang paraan kung hindi ninyo sasadyaing magtulungang dalawa. Kailangan ninyong tumayo nang sabay, braso sa braso at tabi sa tabi, habang isinasabuhay ang tadhana ng Diyos para sa inyo bilang mag-asawa.
Mahalaga iyon dahil kapag ang mag-asawa ay nagtutulungang pangasiwaan ang mga kaloob ng Diyos, mas madaling pagkatiwalaan ang mga motibo ng bawat isa. Kapag nagtatanong ka ng, "Ano ang sinasabi sa atin ng Diyos?" ay mas hindi ka nag-iisip ng mga bagay tulad ng "Dapat sa akin ito," o kaya'y "Gusto ko ang nararapat sa akin." Ang pagpapalago ng kayamanan bilang isang koponan ang siyang mangangalaga ng karangalan ng inyong relasyon.
Mahalaga rin ito dahil hindi mo malulunasan ang isang sugatang pag-aasawa gamit ang salapi. Napakaraming mga tao ang nag-iisip na kahit papaano ay malulutas ng pera ang lahat ng kanilang mga suliranin, ngunit hindi iyon totoo. Pinalalaki lamang ng pananalapi kung sino tayo pati kung ano ang nangyayari sa ating mga buhay. Kaya kung ikaw ay may sirang buhay may-asawa, ibig sabihin lamang ng maraming pera ay maraming kasiraan—at sa huli ay kapahamakan. Kung kaya't ang batayang bilang ng diborsyo ng mga nananalo sa lotto ay apat na beses na mas mataas sa pambansang pamantayan. Habang dumarami ang mga kalawang sa kalasag, o ang mga kahinaan ninyong mag-asawa, mas mabilis na nasisira ang inyong pagsasama.
Isang paraan upang masigurong pareho kayo ng takbo ng pag-iisip ng iyong asawa ay ang pagpapahintulot na mangusap ang iba sa inyong buhay. Parang ganito: Kayo ay nagiging katulad ng mga taong sinasamahan ninyo. Sinasabi natin iyon sa ating mga anak, totoo rin ito sa buhay may-asawa.
Sa Mga Kawikaan13:20, sinulat ni Solomon na ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino. Sa kabilang banda, ang sumasama sa mga mang-mang ay masusuong sa gulo. Kung kaya, bilang mag-asawa, kailangan ninyong paligiran ang inyong mga sarili ng mga matatalinong tao na kayang magbahagi ng maka-Diyos na karunungan sa inyo.
Parehong kailangan ng pagtutulungan ang buhay may-asawa at pagpapalago ng kayamanan. Kung magiging epektibo ka sa iyong paglalakbay patungo sa pamana, kailangan mong pangalagaan ang iyong relasyon sa iyong kabiyak. Makisama sa mga may unawa, at ang iyong pag-aasawa ay aani ng pinansiyal—at relasyunal—na mga benepisyo.
Kung ikaw at ang iyong asawa ay hindi pareho ang takbo ng isip tungkol sa inyong pananalapi, nais naming tumulong sa pagsisimula ng isang usapin. Tamang-tama ang Financial Peace University para sa mga mag-asawang nagnanais palakasin ang kanilang komunikasyon tungkol sa pananalapi-kahit hindi kayo lubog sa utang. Upang mas matuto nang higit pa bisitahin ang daveramsey.com/fpu.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![The Legacy Journey](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F818%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More
Mga Kaugnay na Gabay
![Paghahanap ng Iyong Paraang Pananalapi](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1028%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paghahanap ng Iyong Paraang Pananalapi
![Mas Mahusay Kapag Sama-sama](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1650%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mas Mahusay Kapag Sama-sama
![Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11397%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos
![Ang Pagbabagong-Anyo ng Alibughang Anak ni Kyle Idleman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1321%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Pagbabagong-Anyo ng Alibughang Anak ni Kyle Idleman
![Ang Kaluwalhatian ng Hari](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3490%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Kaluwalhatian ng Hari
![Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa Panginoon](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1041%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa Panginoon
![Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1355%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos
![Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1032%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu
![Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1286%2F320x180.jpg&w=640&q=75)