Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
Pamana ng Magulang
Sa Lucas 9, tinawag ni Jesus ang isang lalaki upang "sumunod sa akin." Ngunit nang humingi siya ng pahintulot upang ilibing muna ang kanyang ama, humindi si Jesus.
Sa mahabang panahon, hindi ko naintindihan kung bakit sinabi iyon ni Jesus. Kung iisipin, ano ba namang masama sa pagpayag na pumunta muna sa libing ng tatay niya? Sa pagdaan ng mga taon, marami nang pagtuturo ang narinig ko tungkol sa kuwentong ito, at marami na rin akong nabasang komentaryo na may iba't-ibang pananaw. Ang isa sa pinakanakakawiling paliwanag ay mula sa dalubhasa sa pananalapi na si Larry Burkett.
Ayon kay Burkett, hindi mo maiintindihan ang mga salita ni Jesus hanggang maintindihan mo na para sa mga Hudyo matindi ang koneksyon ng salapi at buhay. Kung kaya, ang "pagkamatay" ay maaaring mangahulugang nakaabot na sa retiradong edad ang kanyang ama at hindi na kayang maghanap pa ng ikabubuhay. Sa puntong iyon, ang pinakamatandang anak na lalaki ang hahalili sa kanya at sasalo sa mga pinansiyal na responsibilidad ng pamilya, kahit nabubuhay pa ang mga magulang niya.
Kaya kung sinabi man ng lalaki na ililibing muna niya ang kanyang ama, maaaring ang ibig niyang sabihin ay, "Hayaan mo akong alagaan ang mga tumatanda kong magulang at kunin ang aking mamanahin." Pagkatapos, siguro pagkalipas ng ilang taon, pupuntahan kita at susundan.
Maaaring hindi sumang-ayon ang mga paham sa kung ano ang kahulugan ng siping ito, ngunit sigurado ako sa isang bagay: Kung alam kong ipapasa ko sa aking mga anak ang kayamanan ko bago ako mamatay at sa kakayahan nilang humawak ng pera nakasalalay ang aking mga ginintuang taon, sisiguruhin kong magiging mga henyo sila sa pananalapi!
Sa totoo lang, ganoon naman talaga dapat natin turuan ang ating mga anak tungkol sa paghawak ng salapi. Ang pinakamabuting paraan upang pangalagaan ang iyong pamana ay ang pagsisimulang magpasa ng pinansyal na karunungan sa iyong mga anak mula pagkabata.
Sa Deuteronomio 6, hinamon ni Moises ang mga Israelita na ituro ang mga katotohanan ng Diyos sa kanilang mga anak sa bawat pagkakataon na mayroon sila—umaga, tanghali at gabi. Naintindihan ni Moises na ang mga magulang ang pangunahing tagapagturo ng kanilang mga anak sa bawat bahagi ng kanilang buhay, kabilang na rito ang pananalapi.
Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Kaya turuan ang inyong mga anak na humawak ng salapi sa pamamaraan ng Diyos—na para bang dito nakasalalay ang iyong buhay.
Hindi pa huli ang lahat upang turan ang iyong mga anak ng tungkol sa salapi. Ang Generation Change ay isang silid ng mga biblikal na pag-aaral na idinisenyo upang bigyan ang inyong mga tinedyer ng malakas na biblikal na pundasyon sa buhay at pananalapi. Upang matututo nang higit pa, bisitahin ang daveramsey.com/gc.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More