Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
Ang Tatlong Lente
Sa paglipas ng mga taon, palagi ako, pati ang asawa kong si Sharon, natatanong tungkol sa aming paglalakbay mula sa pagiging walang wala patungo sa pagkakatuto ng mga pamamaraan ng Diyos sa pangangasiwa ng pananalapi. Madalas kaming tanungin ng, "Paano ninyo naiiwasang masira ng kayamanan ninyo?" o di kaya "Paano ninyo nasisigurong hindi nakasasama ang kayamanan sa mga anak ninyo?" Ang mga ito ay mga lehitimong tanong dahil nakita na natin kung paano nito nabuwag ang ilang pamilya at dalhin ang mga tao sa kung anu-anong kasiraan.
Isang paraan upang protektahan ang iyong pamana ay tingnan ang iyong kayamanan at mga relasyon sa pamamagitan ng tatlong lente.
Ang unang lente ay ang pagmamay-ari ng Diyos. Lahat ay pag-aari ng Diyos (Mga Awit 24:1), at ang tagumpay sa Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana ay nangangahulugang pag-alaala na pinangangasiwaan natin ang Kanyang mga nilikha. Isang araw, mananagot tayo kung paano natin ginamit ang Kanyang mga likha, kaya nararapat lamang na maging matalino sa paggamit ng ating mga pananalapi.
Ang pangalawang lente ay pagpapalaki. Pinalalaki ng kayamanan kung sino ka—mabuti man o masama. Kung hindi ka mapagkakatiwalaan sa maliit na halaga, hindi kataka-takang maging malaking hangal ka sa malaking halaga. Sa isang banda, kung ikaw ay mapagbigay ngayon, magiging isa kang tunay na pilantropo habang nagtatayo ka ng mas marami pang kayamanan. Dodoble at darami pa kung ano ka man ngayon.
Ang huling lente ay pamayanan. Kailangan natin ng tulong upang manatiling makatuwiran, at ang mga dekalidad na relasyon ay nakakatulong sa atin upang gumawa ng mabubuting desisyon tungkol sa pananalapi. Pinananatili tayong matino ng isang solidong pamayanan habang ang lahat sa paligid natin ay nagkakagulo.
Nang marating ng mga Israelita ang Lupang Pinangako, hinamon sila ni Moises upang gumawa ng mga mabubuting desisyon sa kanilang bagong tahanan. Sa Deuteronomio 30:19, sinabi niya sa mga tao na ang pagpili nang mabuti ay magdadala sa kanila ng pagpapala. Ang mga maling desisyon ay magdadala ng sumpa.
Ang tatlong lente ay sumasala sa paggawa ng mas mabubuting desisyon, at nagbibigay daan para sa pagpapala. Piliin ang buhay. Hayaan ang pagmamay-ari, pagpapalaki, at pamayanan ang magtakda ng mga hangganan para sa iyong pagtatatag ng pamana.
Gusto mo bang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman sa kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan? Dadalhin ka ng Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana sa Salita ng Diyos, habang binubunyag ang Kanyang pananaw tungkol sa kayamanan, sa iyong personal at pampamilyang pamana, at kung paano ka Niya nais na gamitin upang palawigin ang gawain ng Kanyang kaharian sa buong mundo. Upang higit pang matuto bisitahin ang daveramsey.com/legacy.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More