Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa

The Legacy Journey

ARAW 19 NG 31

Pinatatalas ng Bakal ang Kapwa Bakal

Sa tingin ko ang lahat ay nangangailangan ng isang tulad ni Pablo, isang Timoteo at isang Bernabe sa kanilang mga buhay. Kailangan natin ng mga tagapagturo na magbabahagi ng karunungan sa atin. Kailangan natin ng mga mas bata sa atin na maaari nating turuan at gabayan. At kailangan natin ng mga kaibigang mamahalin tayo nang walang kondisyon at tutulungan tayong mapanindigan ang mga pagpiling ginagawa natin.

Para sa akin, mayroon akong 12 na lalaking kaibigan na bumubuo sa tinatawag naming Eagle Group. Nagkikita-kita kami sa aking tanggapan tuwing Miyerkules sa ganap na alas-7 ng umaga, at iyon ang aming programa sa nakalipas na 14 na taon! At sasabihin ko sa iyo ito: Kung ang isa sa mga taong iyon ay nagsasabi sa akin ng isang bagay, ito ay halos kapareho ng aking asawa na nagsasabi sa akin ng isang bagay. Iyan ang dahilan kung gaano kahalaga ang mga kaibigan kong ito sa aking buhay at sa aking espirituwal na paglalakbay.

Nakakarinig ako ng maraming kakatuwang tinig na nag-iisip na tinatawag sila ng Diyos upang sabihin sa akin kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin, ngunit hindi ko sila binibigyan ng anumang halaga. Hindi talaga nila ako kilala, at wala silang kasaysayan sa akin. Maaaring mayroon silang magagandang intensyon, ngunit hindi nila nakuha ang karapatang magsalita sa buhay ko sa ganoong paraan.

Ngunit ang mga kalalakihan sa aking Eagle Group ay iba ang kuwento. Sila ay namuhunan sa buhay ko nang mahigit sa isang dekada—at namuhunan rin ako sa kanilang mga buhay. Napakarami na naming napagdaanan nang sama-sama, kaya nakuha namin ang karapatang magsalita ng katotohanan sa isa't isa.

Inihahambing sa Mga Kawikaan 27:17 ang mga ganitong uri ng ugnayan sa bakal na nagpapatalas ng kapwa bakal. Noong unang panahon, hinahasa ng mga tao ang kanilang mga kutsilyo o mga tabak sa pamamagitan ng pagkiskis ng dalawang talim. Ganoon rin ang papel ng pananagutan para sa mga personal na relasyon.

Kung ang Diyos ay hindi nagpadala ng mga tao sa iyong buhay upang punan ang papel na iyon, magsimulang manalangin para sa Kanya na gawin iyon. Hanapin ang iyong sariling mga Agila at patalasin ang iyong bakal. Ang proseso ay maaaring hindi palaging masaya. Sa katunayan, maaaring ito ay medyo makasakit sa ilang pagkakataon. Ngunit sulit ang pansamantalang paghihirap dahil malaking pagkakaiba ang naidudulot nito sa ating mga buhay at mga pamana.

Banal na Kasulatan

Araw 18Araw 20

Tungkol sa Gabay na ito

The Legacy Journey

Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Ramsey sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang daveramsey.com/legacy