Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa

Buo Mong Puso
Isang beses ay nakapakinig ako ng isang panayam mula sa isang tagapag-isip negosyo na si Simon Sinek na nagkaroon ng malaking epekto sa kung paano ko pinag-iisipan ang tungkol sa mga karera sa buhay. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Sinek na nagtatagumpay ang mga tao at mga negosyo kapag nauunawaan nila ang kanilang layunin. Ang mga nagsusumikap makalampas sa ano at paano ang siyang nakakarating sa bakit—at iyon ang malaking pagkakaiba.
Bilang halimbawa, tinukoy ni Sinek si Samuel Pierpoint Langley. Sa mga unang bahagi ng taong 1900, binigyan ng pamahalaang pederal si Langley ng $50,000 upang likhain ang unang eroplano. Nasa kanya ang lahat ng mga pinakamahusay na mga tao at mga materyales na maaaring gamitin. Sinusundan pa nga ng mga pahayagan ang bawat galaw niya. Ngunit sa huli, siya ay nabigo.
Bakit? Wala siyang silakbo ng damdamin. Wala siyang naramdamang mas mataas na pagtawag. Para sa kanya ay isang trabaho lamang ito—isang pagkakataon sa katanyagan at kapalaran.
Sa isang banda, sina Orville at Wilbur Wright ay may kakaunting pera at suporta. Wala silang edukasyon sa kolehiyo at umasa lamang sa kanilang natutunan sa isang tindahan ng pagkumpuni ng bisikleta. Araw-araw, sila ay bumabagsak. At araw-araw, paulit-ulit silang nagkukumpuni at sumusubok muli. Tumanggi silang sumuko, at ang lahat ng kanilang pagsusumikap ay nagbunga sa isang 12-segundong paglipad na sumaklaw sa 120 talampakan noong Disyembre 1907.
Ang Magkapatid na Wright ay nagtagumpay kung saan nabigo si Langley. Bakit? Mayroon silang silakbo ng damdamin—isang mas mataas na pagtawag. Alam nila na gumagawa sila ng isang bagay na mas malaki kaysa sa kanilang mga sarili.
Bilang mga Mga Cristiano, tinawag tayo upang gumawa para sa isang mas mataas na pagtawag. Tinukoy ito ni Pablo sa Mga Taga-Colosas 3:23. Sa huli, gumagawa tayo para sa Diyos, hindi para sa sinumang tao. At ang katotohanang iyon ay dapat magbago sa paraan ng pagturing natin sa ating mga karera sa buhay.
Tulad ng Magkapatid na Wright, mahaharap ka sa iba't ibang hamon sa Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana. Huwag kailanman sumuko nang hindi lumalaban! Anuman ang gagawin mo, gawin mo ito gamit ang ang lahat ng lakas at kakayahan na maaari mong matipon. Kung gagawin mo ito, makakahanap ka ng layunin, at mapapasaya mo ang iyong boss dito sa lupa.
Higit na mahalaga, magdadala ka ng isang ngiti sa iyong makalangit na Ama.
Kailangan mo ba ng karagdagang inspirasyon? Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana ay sumasaklaw sa mapakay na pamumuhay, pagpapabuti ng iyong mga talento, at pagsasabuhay ng isang masaganang buhay. Upang matuto nang mas higit pa, bisitahin ang daveramsey.com/legacy.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Paghahanap ng Iyong Paraang Pananalapi

Mas Mahusay Kapag Sama-sama

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos

Ang Pagbabagong-Anyo ng Alibughang Anak ni Kyle Idleman

Ang Kaluwalhatian ng Hari

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa Panginoon

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob
