Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa

The Legacy Journey

ARAW 17 NG 31

Mabuti ang Trabaho

Madalas na sinasabi ng aking lola na, "May isang napakagandang lugar na mapupuntahan ka kapag ikaw ay walang-wala: ang magtrabaho! Siguradong kikita ka kapag nagtrabaho ka!"

Maaari nating tawanan nang kaunti ang karunungan ni Lola ngayon, ngunit ang isang tamang pag-unawa ng trabaho ay mahalaga sa iyong tagumpay sa Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana. Nakalulungkot ngunit nawawala na ang ganoong pag-unawa sa ating kultura. Maraming mga tao—pati na ang ilan sa simbahan—ang tinitingnan ang trabaho bilang isang sumpa sa halip na isang pagpapala. Sa pag-iisip nila, ito ay isang bagay na naisip ng Diyos bilang tugon sa kasalanan nina Adan at Eva, kaya hindi ito maaaring maging isang magandang bagay.

Ngunit hindi ganoon nangyari ang kuwento sa Kasulatan. Kung titingnan mo nang mabuti, makikita mong inilagay ng Diyos ang sangkatauhan upang magtrabaho bago pa naman pumasok ang kasalanan sa mundo. Sa Genesis 2:15, nilikha ng Diyos si Adan bilang unang tagapamahala sa kasaysayan. Nilalang ng Panginoon ang napakalaking hardin na ito, at nakuha ni Adan ang tungkulin na pangalagaan at palaguin ito.

Sa madaling salita, inatasan ng Diyos si Adan na magtrabaho—hindi bilang isang kaparusahan o sumpa, kundi dahil sa ang trabaho noon (at sa kasalukuyan) ay isang magandang bagay!

Ngayon, aaminin kong wala nang mas masahol pa kaysa sa trabaho na walang halaga. Iyon ay tinatawag na isang Tra-Ba-Ho, at inuubos nito ang lakas mo. Palagi kong sinasabi sa mga miyembro ng aking koponan na kung mawawala ang kanilang pagkahilig para sa kanilang trabaho, malamang na paraan iyon ng Diyos na pagsasabi sa kanila na magpatuloy na sa susunod nilang pakikipagsapalaran. Hindi ako magagalit sa kanila, ngunit hindi ito magiging makatarungan para sa kanila o sa akin kung mananatili sila para lamang kumuha ng sweldo.

Nilikha ka ng Diyos upang magtrabaho. Ginawa ka Niya upang ipagpatuloy mo ang iyong mga pagkahilig at gumawa ng pagbabago sa mundo sa pamamagitan ng iyong ginagawa. Ginawa ka Niya kung sino ka ngayon upang makahanap ng kasiyahan sa isang makabuluhang trabaho. Kung hindi mo nakikita ang trabaho sa ganoong paraan, baguhin mo ang iyong pananaw. Magpasalamat sa Diyos para sa trabahong pinahihintulutan Niyang gawin mo at lagi mong gawin ang iyong pinakamainam para sa Kanyang kaluwalhatian.

Sa kabila ng sinasabi ng kultura natin, ang trabaho ay mabuti! At ang pagbabago sa mundo sa pamamagitan ng iyong pangarap na trabaho ay nagpapalakas ng tibok ng puso ng Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana.

Handa ka na ba upang simulan ang iyong paglalakbay patungo sa isang makabuluhang trabaho? Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana ay sumasaklaw sa mapakay na pamumuhay, pagpapabuti ng iyong mga talento, at pagsasabuhay ng isang masaganang buhay. Upang matuto nang mas higit pa, bisitahin ang daveramsey.com/legacy.

Banal na Kasulatan

Araw 16Araw 18

Tungkol sa Gabay na ito

The Legacy Journey

Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Ramsey sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang daveramsey.com/legacy