Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
Mga Plano sa Pag-unlad
Kung hihilingin ko sa iyo na pangalanan ang mga katangian ng Diyos kung alin pinakamahalaga sa iyo, hula ko ay mabilis kang makagagawa ng listahan. Marahil maiisip mo ang mga bagay tulad ng pag-ibig, biyaya, kahabagan, katapatan at pagkamalikhain—at tama ka! Ipinakikita ng Diyos ang lahat ng mga magagandang katangian na iyon at higit pa.
Ngunit kailangan kong itanong ito sa iyo: Nasaaan ang "pagpaplano" sa iyong listahan? Naiisip kong wala ito sa mga nasa taas ng iyong listahan, kahit na nagsasalita ka ng tungkol sa Diyos na lumikha ng sansinukob at patuloy na pinatatakbo ang lahat ng mga ito. Tiyak na may plano ang Diyos. Sa katunayan, sa palagay ko ang Diyos ay tungkol sa pagpaplano!
At iyan ang isa sa mga bagay na talagang gusto ko tungkol sa Diyos, dahil ako ay isang tagaplano din. Hindi ko gusto ang mga sorpresa. Gusto kong malaman kung anong mga hakbang ang makakapagbigay ng pinakamabisang posibleng resulta. Hinihikayat ko rin ang mga miyembro ng aking koponan na magtakda ng mga layunin at tukuyin kung paano nila maaabot ang mga layuning iyon.
Ganoon lang talaga ako. At isa itong paraan kung paano ko naipapakita ang larawan ng Diyos sa aking buhay.
Ginamit ng Diyos ang propetang si Jeremias upang paalalahanan ang Kanyang bayan na mayroon Siyang plano para sa kanila. Sila ay nauwi sa pagkabihag dahil sa kanilang kasalanan, ngunit hindi sila nakalimutan ng Diyos. Mayroon siyang plano—isang plano na pagpalain sila, upang bigyan sila ng pag-asa para sa hinaharap.
May plano ang Diyos para sa iyo upang ikaw ay umunlad rin. Nais niyang lumakad kasama ka sa iba't ibang yugto sa buhay at gabayan ka sa isang buhay na hindi abot ng iyong imahinasyon.
Minsan kahit na ang ating mga pinaka-maingat na mga plano ay nasisira, ngunit ang mga plano ng Diyos ay gumagana sa bawat oras. Habang nagpapatuloy ka sa Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana, ituloy mo ang plano ng Diyos para sa iyo. Nais Niyang bigyan ka ng pag-asa, at gusto Niyang gawin ang iyong hinaharap nang pinakamahusay na angkop para sa iyo.
Bawat tao'y maaaring gumamit ng isang maliit na tulong pagdating sa pagpaplano nang maaga. Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana ay gagabay sa iyo sa mga susi upang siguruhin ang hinaharap ng iyong pamilya. Upang matuto nang mas higit pa, bisitahin ang daveramsey.com/legacy.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More