Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa

The Legacy Journey

ARAW 14 NG 31

Paghahanap ng Iyong Kayamanan

Sa aklat na Thou Shall Prosper, nagbibigay si Rabbi Daniel Lapin ng isang magandang metapora para sa isang balanseng buhay ng pagkakuntento. Inilalarawan niya kung paanong sa bawat gabi ng Sabbath, nagtitipon ang mga pamilyang Hudyo upang ganapin ang Havdalah bilang paraan upang maghanda para sa susunod na linggo.

Sa kanilang paglilingkod, ang isang miyembro ng pamilya ay nagbubuhos ng alak sa isang tasang nakalagay sa isang platito. Habang ang alak ay umaapaw sa tasa, nagsisimula itong punuin ang platito sa ibaba. Ang ideya ay habang pinangangalagaan ko ang aking sariling buhay at pamilya (pinupunan ang tasa), tumutuon din ako sa pagbibigay ng sobrang pag-apaw upang pagpalain ang iba.

Ganyan natin dapat gawin ang mga bagay-bagay. Malinaw na ipinaliliwanag ng Biblia na tayo ay tinawag upang tugunan ang mga pangangailangan ng ating mga pamilya bago ang anumang bagay (1 Timoteo 5: 8). Ngunit kailangan din nating maging sensitibo sa mga paraan na makapaglingkod tayo sa iba. Hangga't pinapanatili natin ang saloobin na iyan, mas madali na manatiling kuntento sa kung ano ang ibinigay sa atin.

Sapagkat walang halaga ng salapi ang banal o hindi banal, ayos lang na punan mo ang iyong tasa—upang magtatag ng kayamanan at magkaroon ng mga magagandang bagay. Ngunit lagi kong pinapayuhan ang mga tao na manalangin tungkol sa kung ano ang kinakailangan upang punan ang kanilang sariling tasa. Ang iyong tasa ay hindi isang swimming pool, ngunit ito ay hindi rin isang napakaliit na tasa. Muli, kailangan mo ng isang balanseng pananaw.

Kung itatalaga mo ang iyong mga biyaya sa iyong sarili, ang iyong puso ay nagiging tungkol lamang lahat sa iyo. Kung tumutuon ka lamang sa pag-iimpok ng mga bagay-bagay at hindi kailanman nagbibigay o gumagastos para sa iyong pamilya, ikaw ay magiging isang kuripot. Kailangan mong suriin ang iyong mga motibo.

Iyan ang punto ni Jesus sa Lucas 12:34. Sa pag-uusap tungkol sa isang may pagkamaygulang na pananaw tungkol sa pananalapi, sinabi Niya na dapat tayong mag-ingat sa ating kayamanan dahil nakasunod dito ang ating mga puso.

Ipinapaalaala sa iyo ng Havdalah na magplano ng ilang pag-apaw para sa iba. At pagnilayan ang pagkatao ng Diyos bilang isang Tagapagbigay sa pamamagitan ng pagpapanatili ng iyong puso at kayamanan sa tamang balanse. Iyon ay magbubunga ng pagkakuntento, at gagabayan ka nito nang mabuti sa Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana.

Ang tunay na kabutihang-loob ay sumasalamin sa pagtawag ng Diyos sa ating mga buhay, ngunit nangangailangan ito ng pagpaplano at paunang pag-iisip upang makapagbigay nang lubos. Gagabayan ka ng Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana sa mga mahahalagang bahagi ng pagbibigay at isang solidong plano upang pasimulan ka sa iyong daan sa pagsasabuhay ng isang buhay na masagana. Matuto nang mas higit pa sa daveramsey.com/legacy.

Banal na Kasulatan

Araw 13Araw 15

Tungkol sa Gabay na ito

The Legacy Journey

Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Ramsey sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang daveramsey.com/legacy