Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
Mga Palatandaan ng Walang-Kasiyahan
Namumuhay tayo sa pinakapinagbebentahang sibilisasyon sa kasaysayan. Naging mga dalubhasa na ang mga nagmemerkado sa pagmanipula ng ating mga emosyon sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa ating mga "pangangailangan" at pagsubok na kumbinsihin tayong punan ang mga kakulangang ito gamit ang kanilang mga produkto.
Ngunit ang lahat ng ingay na ito ng merkado ay siya ring nagnanakaw ng ating kasiyahan ng loob o pagkakuntento, at ipinapakita natin ang kawalan ng kasiyahan na iyon sa apat na paraan. Una, sinusubukan nating yumaman nang mabilis. Kahit na sinasabi ng Biblia sa atin na ang nagmamadali sa pagpapayaman ay parurusahan (Mga Kawikaan 28:20), mayroon sa ating kaibuturuan ang nagnanais matamaan ang jackpot sa lotto o magkaroon ng $200,000 nang hindi naghihirap. Oo, napakagandang pangarap iyon, ngunit ang pagpaplano ng iyong buhay sa ganoong pag-iisip ay isang senyales na may espiritwal na mali sa iyo.
Sinusubukan rin nating magmukhang mayaman kahit sa katotohanan ay gipit tayo. Nagsasalita tayo tungkol sa mga magagarang sasakyan, maringal na bakasyon o malalaking bahay-bakasyunan, kahit alam naman nating hindi natin kaya isa man rito. Nagdudulot ito ng kabalisahan, at sinasabi ng Biblia na ang pagpapalang kayamanan ni Yahweh ay hindi sinasamahan ng kabalisahan (Mga Kawikaan 10:22).
Ikatlo, tayo ay nag-iimbot ng mga bagay-bagay. Ito'y kakaiba, ngunit nababalisa tayo sa mga bagay na wala naman tayo. Malaking bagay ito para sa akin dahil mahilig ako sa mga kung anu-ano. Nabaon ako sa utang, sa isang bahagi ng buhay ko, dahil kung anu-anong gamit ang sinamba ko. Hinahamon tayo ng Mga Hebreo13:5 na masiyahan sa kung ano ang mayroon tayo imbis maging mapag-imbot. Pinupukaw tayo ng meteryalismo na maghangad ng higit pa. Ngunit pinapaalalahanan tayo ng pagkakuntento na pagmamay-ari ng Diyos ang lahat-lahat at tinutulungan tayo nito na maging mapagpasalamat sa kung ano ang mayroon tayo.
Sa wakas, tayo ay walang-kasiyahan kapag hinayaan natin ang panibugho at inggit na pumasok sa ating mga buhay. Dati akala ko ay pareho lamang ang dalawang ito, ngunit hindi pala. Kung ako ay naninibugho, gusto ko ang mayroon ka. Ngunit kung ako ay naiinggit, alam kong hindi ko makakayang makamit ang mayroon ka, kaya hindi ko rin gusto na magkaroon ka nito. Parehong hindi nakakabuti ang mga ito, at nagsasanib pwersa ang mga ito upang nakawin ang iyong kasiyahan.
Gumugol ng ilang oras upang suriin ang iyong buhay. Tingnan kung matutukoy mo ang isa (o lahat) sa apat na palatandaang ito ng walang-kasiyahan sa iyong buhay. Kung oo, pumili ng mas mabuting plano. Tumuon sa kung paano ka pinagpala ng Diyos at masiyahan kung ano ang ginawa Niya para sa iyo.
Kaya mong piliin ang pagkakuntento.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More