Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa

The Legacy Journey

ARAW 11 NG 31

Ang Batas ng Dakilang Pakinabang

Mahigit 20 taon na akong kabilang sa pinansyal na pagtuturo. Halos araw-araw ay nagkakaroon rin ako ng pagkakataong maka-kausap ng mga tao sa radyo sa buong Amerika tatlong oras kada araw. Nagkaroon din ako ng mga isahang pakikipag-usap sa mga kaganapan at nakipag-ugnayan pa sa hindi mabilang na mga tao sa pamamagitan ng mga libro. At marami akong natutunan sa mga ito.

Halimbawa, sa tingin ko ay natuklasan ko na ang pinakamakapangyarihang prinsipyo sa pananalapi. Kung magagawa mo ito ng tama, tutulungan ka nitong maka-ahon sa pagkakautang at tuturan ka nito kung paano mamuhay nang mas konti sa iyong kinikita. Hinahamon ka nito na mag-impok at mamuhunan nang sa gayon ay makapagtatag ka ng pamanang babago sa iyong talaangkanan. Binabago nito ang iyong pananaw sa kabutihang-loob at pinalalaya ka nito upang gumawa ng epekto para sa kaharian ng Diyos.

At kung magkamali ka man rito, may negatibong epekto ito sa lahat ng mga aspetong iyon.

Ano ang prinsipyong ito ng pananalapi na nakakapagpabago ng buhay? Kasiyahan ng loob o pagkakuntento.

Sa 1 Timoteo 6: 6-8, sinabi ni Pablo sa kanyang batang kaibigan na si Timoteo na ang kasiyahan ang susi sa malaking pakinabang. Bakit? Dahil ang kasiyahan ay tumutulong sa iyo na mapanatili ang yaman sa tamang pananaw. Ipinapa-alala nito sa iyo na hindi ka nagdala ng anumang bagay sa mundo at hindi ka kukuha ng anuman sa iyong pagpanaw. Kaya hangga't nakakamit mo ang iyong mga pangunahing pangangailangan, maaari kang maging kontento.

Siyempre, ang usapang tungkol sa kasiyahan ng loob o pagkakuntento sa ating materyalistikong kultura ay tulad ng pagsasalita ng isang wikang banyaga. Ngunit ang pagkakuntento ay bumabalanse sa ating pagnanasang makamit ang mga layunin at ang ating pagnanasa para sa mga bagay-bagay. Sinasabi nito, "Magtatrabaho ako upang maging mas mahusay, ngunit magiging kuntento rin ako habang ginagawa ko ito." Kaya habang kumikilos ka sa pamamaraan ng pagtatagumpay, magsanay ka rin ng tunay na kasiyahan. Panatilihin mo ang iyong pananaw sa kung ano ang pinakamahalaga at maging mapagpasalamat sa Diyos para sa lahat ng mayroon ka at sa lahat ng kung ano ka.

"Ang kabanalan na may kasiyahan ay malaking pakinabang." Hindi ito isang mensahe ng kasaganaan. Ito ay isang mensahe ng pananagutan.

Ito ay isang prinsipyo na kailangan nating yakapin habang nagpapatuloy tayo sa Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana. Upang matuto nang higit pa tungkol sa pagkakuntento at pagtanggap ng isang biblikal na balangkas para sa iyong pananalapi, bisitahin ang daveramsey.com/legacy.

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

The Legacy Journey

Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Ramsey sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang daveramsey.com/legacy