Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa

The Legacy Journey

ARAW 10 NG 31

Huwag Masyadong Mabilis

Hindi ako nabaon sa utang dahil nakagawa ako ng isang bagay na imoral. Hindi ako nandaya o lumabag ng anumang batas. Nawala ko ang lahat sapagkat nagtayo ako ng isang bahay ng mga baraha sa napakaraming pagkaka-utang. At ngayon na gumugol na ako ng mga taon sa pag-aaral ng sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol sa salapi, napagtanto kong nilabag ko rin ang halos lahat ng posibleng biblikal na prinsipyo tungkol sa pananalapi.

Ngunit sasabihin ko ito sa iyo. . . Hindi ko na uulitin ang pagkakamaling iyon!

Isa sa mga pangunahing prinsipyo na sinira ko ay mula sa Mga Kawikaan 28:20. Ang mga taong tapat—na hindi takot sa pagbuo sa napakaraming maliliit na tagumpay sa paglipas ng panahon—ay mananagana sa pagpapala. Samantala, ang mga taong nag-uunahan upang makakuha ng kayamanan sa pamamaraan ng pandaraya—ay tiyak na sasaktan ang kanilang mga sarili at ang mga nakapaligid sa kanila.

Ang bersyon ng The Message ng bersikulong ito ay sinasabi ito sa isang paraan na talagang may dating sa akin: “Committed and persistent work pays off; get-rich-quick schemes are ripoffs." Hindi ko na alam kung paano ko pa masasabi iyon nang mas mahusay!

Hindi ka mananalo sa pananalapi na may mga magarbong pagpipilian o mga shortcut. Mananalo ka sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiyaga. Ito ay lubhang simple—baka nga mayamot ka pa sa sobrang kasimplehan. Ngunit ang daan-daang mga pakikipagusap ko kasama ng mga mayayamang tao ay nakumbinsi ako na hindi ka yayaman nang mabilis.

Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana ay tahasang hindi "mabilis na pagyaman." Ito ay tungkol sa "pagsisikap at pagtitiyaga." Ito'y tulad ng pagong at kuneho. Ang mabagal at matatag na pagsisikap, na sinamahan ng karunungan, ay humahantong sa tagumpay. Kaya natutunan kong maging kuntento sa mabagal at matatag. Tutal, tuwing binabasa ko ang kuwento, laging panalo ang pagong.

Ganyan mo kailangan harapin ang pagbuo ng kayamanan at pagtatatag ng isang pamana. Hayaan mong ang oras ang maging pinakamatalik mong kaibigan. Maging matatag. Maging matiyaga. Kung magiging ganyan ka, sa huli ay magwawagi ka.

Ang pagbuo ng isang pangmatagalang plano at pagkapit dito ang susi sa paglikha ng isang magtatagal na pamana para sa iyo at sa iyong pamilya. Gagabyan ka ng Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana sa proseso upang matiyak na protektado ang iyong hinaharap. Bisitahin ang daveramsey.com/legacy upang matuto nang higit pa.

Banal na Kasulatan

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

The Legacy Journey

Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Ramsey sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang daveramsey.com/legacy