Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa

The Legacy Journey

ARAW 8 NG 31

Pagbabawas ng Panganib

Bilang isang guro at manunulat, isa sa mga gabay kong prinsipyo ang hindi gumamit ng mga "$10 salita." Ibig sabihin nito ay mga salitang tunog intelehente o malalim, kahit ang ibig sabihin lang naman talaga nila ay simple. Maraming tao sa larangan ng pananalapi ang nag-iisip na nagmumukha silang sopistikado gamit ang mga malalaking salita, ngunit ako, mas gusto kong panatilihing simple ang mga bagay-bagay.

Ang Diversification ay isa sa mga termino na ibinabato ng mga "dalubhasa" upang magtunog matalino, ngunit walang problema sa akin kung pasimplehin ko ito para sa kanila. Ang ibig sabihin lang naman ng Diversification ay "upang ikalat sa paligid." Malamang mas naipaliwanag ito nang mas maayos ng iyong lola: "Huwag mong ilagay sa iisang basket ang lahat ng itlog mo."

Alinmang paraan, pareha ang ideya. Sa pagkalat ng iyong mga puhunan ay binabawasan nito ang panganib o tsansa na hindi makabenta.

Pakaisipin mo ito. Kung ilalagay mo ang lahat ng pera mo sa iisang stock, anon'g mangyayari kung malugi ang stock na iyon? Kung mahulog ng isang tao ang basket, mababasag ang lahat ng mga itlog! Ito ay totoo rin kung ilalagay mo ang buong retirement mo sa stock ng kumpanya ninyo, dahil kapag nalugi ang kumpanyang iyon, hindi lang trabaho mo ang mawawala kung hindi pati ang buong retirement mo.

Ngunit hindi ko lang ito payo. Sa katunayan, sinasabi ng Biblia na ang diversification ay isang matalinong ideya. Sinasabi sa atin na dapat hatiin natin ang ating mga kalakal sa iba't-ibang pakikipagsapalaran upang makasigurong makaiwas sa kapahamakan kung sakaling may masamang mangyari.

Sa mga nagdaang taon, nakita natin ang mga kaguluhan sa mundo ng komersyo. Napabagsak ng mga likas na sakuna, terorismo, dramang pulitikal, mataas na kawalan ng trabaho, recession, at iba pang mga kadahilanan ang napakaraming nag-iisang basket. At napakaraming mga itlog ang naiwan ng mga ito. Ngunit ang mga indibidwal na ikinalat ang kanilang mga puhunan sa iba't-ibang paraan ay nakaligtas.

Isipin mo ito sa ganitong paraan: Ang salapi ay tulad ng dumi ng hayop na ginawang pataba. Kung iiwan ito sa isang malaking tipak, magsisimula itong mangamoy. Ngunit kung ikakalat mo ito, magsisimulang lumago ang mga bagay-bagay.

Malamang ay hindi mo ito naisip sa ganitong paraan, ngunit totoo ito. Kaya suriin mo ang diversification ng iyong mga puhunan. Kung sa iisang bagay mo lamang inilagay ang mga ito, makipag-ugnayan sa isang tagapayong may pusong tulad ng isang guro tungkol sa pagkalat ng mga bagay-bagay.

Ang diversification ay nagbabawas ng tsansa ng panganib. At dahil dito ay mahalaga—at biblikal—na bahagi ito ng Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

The Legacy Journey

Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Ramsey sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang daveramsey.com/legacy