Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
Kasunod: Pagkakaroon ng Panghinaharap na Pokus
Nabanggit natin na ang unang hakbang ng Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana—ang Ngayon—ay nangangailangan na manatili kang nakatungo at magtuon ng pansin sa pagsasaayos ng iyong mga pananalapi. Natututo kang mamuhay sa isang budget, at nagsusumikap mabayaran ang lahat ng iyong mga pinagkakautangan. Nagkakaroon ka ng matibay na pagsulong. At, malamang sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, ay nakakaranas ka ng pag-asa!
Tinutulungan ka ng Ngayon na harapin ang mga pinakamahahalagang bagay. Halimbawa, dapat ay magkaroon ka ng paunang emergency fund na $1,000. Kailangan mong gumawa ng plano upang bayaran ang lahat ng utang mo. Isang paraan—ang Debt Snowball—ang pagtatapos muna ng iyong pinakamaliit na utang pagkatapos ay pagbabayad ng kaparehong halaga sa iyong susunod na pinakamaliit na utang. Tutulungan ka nitong magkaroon ng maliliit na tagumpay habang patuloy na tinatapos ang lahat ng iyong mga kailangan bayaran. Kapag ikaw ay malaya na sa lahat ng pagkakatutang, maaari mo nang simulan ang iyong emergency fund na maaaring makapagsalba sa iyong mga pangangailangan mula tatlo hanggang anim na buwan ng mga gastusin.
Ano na ang mangyayari pagtapos nito? Ano ang mangyayari kapag sinimulan mong pamahalaan ang mga bagay na matagal nang humihila sa iyo pababa?
Uusad ka na mula sa Ngayon patungo sa tinatawag nating Kasunod.
Sa Kasunod, ang paghihirap ay unti-unti nang gumagaan at nagsisimula ka nang tumingala. Nagsisimula ka nang tuminingin hindi lamang sa iyong kasalukuyan at nagsisimulang mag-isip ng iyong hinaharap. Hinahamon ka ng Kasunod na magkaroon ng panghinaharap na pokus.
Tinutulungan kang magpatuloy kumilos ng Kasunod. Nagsisimula kang mag-impok para sa iyong pagreretiro at para sa pang-kolehiyo ng iyong mga anak. Nagsisimula ka nang magbayad ng iyong bahay. Ang pinakamaganda pa rito, nagsisimula mong maunawaan na mayroong magandang hinaharap sa likod ng iyong sweldo.
Sinasabi sa Mga Kawikaan 29:18 na ang walang patnubay ay napupuno ng kaguluhan. Binibigyan ka ng Kasunod ng kalayaan na tumanggap ng isang patnubay upang ikaw ay lumago sa mga susunod na araw. Ang salungat nito ay kaguluhan—at wala namang may gugusto ng ganoon!
Habang nagpapatuloy ka sa Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana, mamuhay nang may patnubay na magpapaalab sa iyong damdamin. Pagkatapos, gamitin mo ito upang lawakan ang iyong pamana higit sa kung anuman ang inisiip mo noon.
Ang paglikha ng pangmatagalang pamana ay hindi aksidenteng nangyayari. Kailangan mong maging intensyonal. Bibigyan ka ng Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana ng malalim na pang-unawa tungkol sa pamumunuhan, pagpaplano ng ari-arian, pangangalaga sa iyong pamana, at pagtuklas ng mga susi sa salinlahing yaman at tunay na kabutihang-loob. Bisitahin ang daveramsey.com/legacy upang matuto nang mas higit pa.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More