Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
Sila: Pag-abot sa Iyong Mundo
Kung nabubuhay ka nang walang katulad, mamaya ay maaari kang mamuhay—at magbigay—nang walang katulad. Nakita mo kung paano iyon nangyari sa mga unang hakbang sa Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana. Nakita mo kung paano lumipat mula sa mga panggigipit ng Ngayon patungo sa panghinaharap na pokus ng Kasunod. Nakita mo rin kung paano mo mababago ang iyong talaangkanan sa Tayo.
Ang balangkas ay dinadala ng huling hakbang sa panibagong antas, kasabay ng pagsabog ng mga oportunidad sa paglikha ng isang pangmatagalang pamana. Natiyak mo na ang seguridad ng iyong pamilya, ngunit patuloy na lumalawak ang iyong pananaw. Sinisimulan mong makilala ang mga pangangailangan sa iyong paligid at at ang posibleng eternal na epekto mo sa mundo.
Narating mo na ang bahaging tinatawag na Sila.
Sa Sila, hindi tumitigil ang pananaw na inaalagaan mo sa iyong sarili lamang. Ito ay nagiging isang pananaw na kaharian dahil nakikita mo ang mga bagay-bagay sa mga mata ni Cristo!
Hinahamon ka nito upang maging bahagi ng mga sagot sa problema ng mundo. Nakakapag-ambag ka sa pagpuksa ng HIV sa Africa. Bumibili ka ng kulambo upang labanan ang malaria sa Gitnang America. Namumuhunan ka upang makapagkaloob ng mga balon para sa mga bahay-ampunan sa Haiti.
Ngunit nakikita mo rin ang mga malalalim na pangangailangan sa iyong sariling bakuran. Nakikita mo ang isang gutom na bata sa kalsada o ang isang solong magulang na malapit nang maputulan ng kuryente. Sa Sila, mayroon ka mga mapagkukunan upang baguhin ang kanilang mundo—at maaaring hindi nila malaman na dahil sa iyo kaya nangyari ang mga iyon! Masaya 'yon!
At sa pagpapala mo sa iba, hinahayaan mong pagpalain ka rin ng DIyos. Iyon ang katotohanan sa Mga Kawikaan 28:27—siyang nagbibigay sa dukha ay hindi masasalat dahil mapagkakatiwalaan sila ng Diyos nang higit pa.
Hindi mo kayang gawin ang lahat ng ito kung ikaw ay gipit, at hindi mo ito magagawa hanggang natiyak mo na ang seguridad ng pamilya mo. Ngunit habang isinasagawa mo ang Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana—mula sa Ngayon patungo sa Kasunod tapos ay Tayo hanggang sa Sila—simulan mong tanungin ang Diyos na ipakita sa iyo ang mga pangangailangan ngayon. Simulan mong gumawa ng pagbabagong pangkaharian kung nasaan ka man habang nagtatatag ng pamana kung saan ka inihahatid ng Diyos.
Lahat ng ito ay pagmamay-ari ng Diyos at tayo ay mga tagapamahala lamang. Iyon ang prinsipyong gumagabay sa atin sa Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana, na siyang nagtuturo sa atin kung paano palaguin ang ating pananalapi, responsableng pangasiwaan ito at ibahagi upang makatulong sa mundo. Bisitahin ang daveramsey.com/legacy upang matuto nang mas higit pa.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More