Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa

The Legacy Journey

ARAW 4 NG 31

Tayo: Paggarantiya ng Seguridad ng Iyong Pamilya

Habang patuloy mong binabalangkas ang Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana, hinaharap mo ang mga pinakamabibigat mong pinansyal na problema sa Ngayon. Mula roon, nagsisimula kang magkaroon ng pananaw kung saan mo nais na tumungo at kung paano ka makararating doon sa Kasunod.

Hayaan mo akong sabihin ko sa iyo ang kasunod nito. Sa sandaling makuha mo ang pera mo mula sa iyong 401(k) at mapagtantong makakatapos ang iyong mga anak sa kolehiyo at makakapagretiro ka nang may dignidad, mayroong kamangha-manghang bagay ang mangyayari: lalawak ang iyong pananaw.

Sa mga naunang yugto, nakatuon ka sa iyong hinaharap—na para bang isang pangitaing pinansiyal na tunel. Ang linya ng iyong paningin ay diretsong nakatutok nang may kasidhian na katulad ng sa isang laser. Ngunit sa iyong pag-usad sa Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana, gumagana ang iyong peripheral vision o lawak ng paningin, at nagsisimula kang mas makapansin ng mga nangyayari sa iyong paligid. Sinisimulan mong makilala ang mga oportunidad upang makabuo ng isang pamana—lalo na para sa iyong pamilya.

Iyon ang tinatawag na Tayo.

Sa Ngayon, pinrotektahan mo ang iyong pamilya. Tinustusan mo ang kanilang mga pangangailangan dahil iyon ang agarang hamon. Ngunit iba ito. Hindi lang ito pagtugon sa kanilang mga kasalukyang pangangailangan. Ito ay paninigurdo ng kanilang seguridad para sa mga darating pang mga taon.

Sinasabi sa Mga Kawikaan 13:22 na ang mga matutuwid ay nag-iiwan ng pamana pagkatapos na sila ay mawala. Naglalaan sila ng pamanang magtatagal matapos ang kanilang buhay at magbabago ng tilapon ng kanilang mga anak at kaapu-apuhan. Sa Tayo, isinasabuhay mo ang bersikulong iyon. Gumagawa ka ng mga hakbang patungo sa pagtatag ng isang pangmatagalang pamana na magpapabago ng iyong talaangkanan.

Hindi mo mababago ang nakaraan, ngunit maaari ka pang may magawa sa hinaharap. Hindi mahalaga kung gaano kagulo ang iyong pinansiyal na sitwasyon bago ang Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana at kung ilang henerasyon nang ganoon ang nangyayari, binibigyan ka ng Tayo ng pagkakataon na baguhin ang nakagisnan mong mga pinansiyal na pagkakamali.

Palawakin ang iyong pananaw at magsimulang bumuo ng isang pamanang magpapala sa mga anak ng iyong mga anak. Samantalahin ang ibinigay na kapangyarihan ng Diyos sa iyo upang gumawa ng pagbabago sa iyong pamilya—para sa kasalukuyan at mga darating pang mga taon.

Upang matuto pa sa pagbuo ng pangmatagalang pamana para sa darating pang henerasyon, bisitahin ang Us: Securing Your Family.

daveramsey.com/legacy.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

The Legacy Journey

Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Ramsey sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang daveramsey.com/legacy