Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa
Para sa Ating Kasiyahan
Kailangan ko itong sabihin ngayon pa lang. Kung gagawin mo ang mga bagay na pinaguusapan natin sa loob ng ilang panahon, makakapagtatag ka ng kayamanan. Hindi ito isang mahiwagang teolohikal na pangako ng kaunlaran. Ito ang malinaw na nasasaad sa Banal na Kasulatan. Umuunlad ang nagsisipag, at dumarami pa ang pinangangasiwaan ng tapat na tagapamahala.
Ngunit hindi lamang ito ang malinaw na inilalarawan ng Biblia. Sinasabi rin nitong mapanganib ang salapi. Ito ay makapangyarihan, at ito ang mismong dahilin kung bakit hindi ito ibinibigay ng Diyos sa mga espirituwal na anak. Maaaring maging mapanlinlang ang kayamanan, kaya kailangan mo ng ganap na matibay na saloobin kung panghahawakan mo ito.
Ang isang malaking pagkakamali na ginagawa ng mga tao—kabilang na ang napakaraming Cristiano—gamit ang pananalapi ay ang isiping parehas ang Tagapagkaloob at mga bagay na Kanyang ipinagkakaloob. Isipin mo, ang salapi ay isang pamamaraan lamang na ginagamit ng Diyos upang tayo'y pagalawin sa Ngayon, Kasunod, Tayo, at Sila. Isa itong kasangkapan. Ngunit hindi natin sinasamba ang kasangkapan. Hindi natin sinasamba ang pamamaraan. Ang sinasamba natin ay ang Tagapagkaloob.
Sa 1 Timoteo 6:17, isinulat ni Pablo na binibigyan tayo ng Diyos ng mga materyal na bagay upang pakinabangan. Mula sa pananaw ng Diyos, hindi masama ang kayamanan at hindi pinasasama ng kayamanan ang mga tao. Ito ay isang kasinungalingang kumakalat sa ating kultura, ngunit sumasalungat sa sinasabi ng Biblia. Nais ng Diyos na gamitin natin ang Kanyang ibinibigay sa atin. Ngunit kailangan nating mag-ingat.
Sinabi rin ni Pablo na hindi natin maaaring mapagkatiwalaan ang mga "lumilipas na kayamanan." Mayroon tayong inklinasyon sa ating mga mortal na puso na sumamba sa mga diyus-diyosan. At kung ika'y espirituwal na hilaw, madaling madala at gawing idolo ang isang bungkos ng salapi. Ngunit hindi ka maaaring magkaroon ng halaga o seguridad mula sa kayamanan. Patuloy ka lamang nitong bibiguin.
Sinabi ni Martin Luther, "Marami na akong nahawakan sa aking mga kamay, at nawala ko silang lahat; ngunit anumang bagay na aking inilagay sa mga kamay ng Diyos, ay nasa akin pa rin." Sa ibang salita, huwag mong kalimutang ang Diyos talaga ang nagmamay-ari ng lahat. Pagsumikapang maging tapat na tagapamahala ng lahat ng Kanyang ipinagkaloob sa iyo. Ikasiya ang magagandang bagay sa pagpapala ng Diyos—siguruhin mo lamang na hindi ka aariin ng mga magagandang bagay na ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.
More