Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa

The Legacy Journey

ARAW 2 NG 31

Ngayon: Pagsustento Para sa Iyong Pamilya

Napapansin ko na ang mga tao ay dumadaan sa isang natural na proseso pagdating sa pangangasiwa ng pananalapi. Nagsisimula silang walang wala—hindi nakakabayad sa tamang oras ng mga bayarin at tamang nakakapagtustos lamang ng pang-araw-araw na pagkain sa hapag-kainan. Dumaan rin kami ni Sharon sa ganoon. Medyo matagal na, ngunit sariwa pa rin ito sa aking ala-ala. Siguro ay naroon ka sa puntong iyon ngayon.

Sa biblikal na balangkas ng Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana, ang yugtong iyon ay tinatawag na Ngayon. Sa yugtong iyon ikaw ay nakatungo at ang tanging naiisip mo lamang ay ang ngayon, ngayon, ngayon. Napupuno ang iyong isipan ng mga nangyayari sa kasalukuyan. Nasa harapan mo itong lahat at hindi mo magawang isipin ang hinaharap dahil sinusubukang mong mamuhay sa kasalukuyan.

Heto ang magandang balita. Kung naroon ka nga, kailangang-kailangan mong ibuhos ang buo mong pansin sa Ngayon. Dapat kang maging mapusok tungkol sa kasalukuyan mong sitwasyon. Sa katunayan, ang pagharap sa Ngayon ang unang hakbang ng iyong pagtatatag ng pamana dahil dito mo kinokontrol ang iyong pananalapi at sinisimulang linisin ang iyong mga pinansyal na kalat. Sinisiguro mong ang Apat mong Pader—pagkain, tirahan, kagamitan, pananamit at transportasyon—ay matatag at ang iyong pamilya ay mayroong sapat at hindi nagkukulang.

Sa 1 Timoteo 5:8, sinabi ni Pablo na ang mga mananampalataya ay may pananagutan na kumalinga sa kanyang mga kamag-anak. Sinabi niyang ang mga hindi kumakalinga ay "mas masama pa sa mga di mananampalataya." Tinutulak ka ng Ngayon upang alagaan mo muna ang iyong pamilya bago ang lahat, kaya maganda iyon. Ngunit hindi ka dapat tumigil dito, bagkus ay magsimula ka lamang doon.

Kung ikaw ay nasa Ngayon, asikasuhin mo na ang mga bayarin na iyon at simulan mo nang gumawa ng budget. Siguruhin ang seguridad ng pamilya upang kayo ay makarating sa mga susunod na yugto ng proseso: Kasunod, Tayo, at Sila. Pag-uusapan natin ang mga ito sa mga susunod na araw.

Kung nahihirapan kang humanap ng katatagan at pinansyal na pagsasarili, ngayon na ang oras upang ayusin ang iyong pananalapi. Isang klaseng batay sa biblia ang Financial Peace University na naglalayon turuan ang mga taong pangasiwaan ang salapi alinsunod sa mga pamamaraan ng Diyos. Alamin kung paano umalis sa pagkakautang, pangasiwasan ang iyong pananalapi at gumastos at matalinong mag-ipon. Bisitahin ang daveramsey.com/fpu upang mas matuto nang higit pa.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

The Legacy Journey

Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Ramsey sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang daveramsey.com/legacy