Tuklasin ang Pangitain ng DiyosHalimbawa
Maka-Diyos na Perspektibo
Ni Michael Youssef, Ph.D.
Ang pinagmumulan ng marami sa ating mga problema, na pansarili, na pangkalahatan, at sa ating kultura, ay ang kakulangan ng maka-Diyos na perspektibo. Kung wala tayong tamang pananaw ng Diyos, wala tayong tamang pananaw ng sangkatauhan, kalikasan, o sangkalikhaan.
Sa Awit 8:3-4, sinabi ni David ang, “Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay, pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay. Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?”
Si David, ang batang pastol na gumugol ng maraming gabi sa parang na nagmamasid ng mga bituin habang binabantayan ang kanyang kawan, ay nagawang purihin ang Manlilikha ng mga bituin. Nagawa niyang ilampas ang kanyang pananaw sa sangkalikhaan at makita ang Manlilikha. Nang makita niya ang mga galaksiyang sumasayaw sa kalawakan, namangha siya hindi sa mga bituin, kundi sa karingalan Niyang naglagay ng mga bituin sa iniikutang landas.
Ang Diyos na lumikha ng lahat ng ito ay lumikha nang lubos sakdal. “Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan?” sabi ng salmista (Awit 8:4). Napakaliit natin sa malawak na kosmikong kinalalagyan natin. Kagilagilalas na ang Diyos ng malawak na sansinukob na ito, ang Diyos na nangangasiwa at namamahala nitong lahat, ay nagmamalasakit sa atin.
Panalangin: Manlilikhang Diyos, kapag napapagtanto ko ang lahat na gawa ng Iyong mga kamay, ako'y namamangha na ganoon na lang kung pagmalasikatan Mo ako. Salamat! Nananalangin ako sa pangalan ni Jesus. Amen.
“Maaari niyang pigilan ang pagsikat ng araw, pati ang mga bituin sa kalangitan. Mag-isa niyang inilatag ang sangkalangitan, kanyang tinapakan ang dambuhalang karagatan.” (Job 9:7-8).
***
Nakatulong ba ang gabay na ito? Learn more about God 's vision for your life.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tulad ni Ester, iniukol ng Diyos ang iyong buhay para sa mismong panahong ito. Ang Kanyang mga makalangit na layunin ay nahahayag at natutupad sa pamamagitan ng isang pang-araw-araw na relasyon sa Kanya. Sa 10-araw na debosyonal na ito ni Dr. Michael Youssef, mahihikayat kang hanapin at tumugon sa pangitain ng Diyos para sa iyong buhay. Matutunang mamumuhay batay sa pananampalataya at makilala nang mas malalim ang Diyos habang namumuhay batay sa Kanyang walang hanggang perspektibo.
More