Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tuklasin ang Pangitain ng DiyosHalimbawa

Discover God's Vision

ARAW 6 NG 10

Nauudyukan ng Pangitain

Ni Michael Youssef, Ph.D.

Hindi ba't tila ang pinakamahihirap nating mga laban ay nangyayari kung kailan sinisikap nating gumawa ng dakilang bagay para sa Diyos? Huwag panghinaan ng loob—walang sinumang naisakatuparan ang pangitain ng Diyos sa kanyang buhay nang hindi kumaharap ng panghihina ng loob, mga hadlang at mga paghihirap. Ngunit kung tunay ngang ito'y pangitain ng Diyos sa iyong buhay—at hindi sarili mong mga ambisyon at mithiin—ibibigay ng Diyos ang anumang kakailanganin mo upang malampasan ang mga balakid na iyon.

May pangitain ang Diyos para sa buhay ni Apostol Pablo, at ipinaalam Niya ang pangitaing ito sa pamamagitan ng isang lalaking nagngangalang Ananias: “Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, 'Pumunta ka roon, sapagkat pinili ko siya upang ipangaral ang aking pangalan sa mga Hentil, sa mga hari, at sa mga anak ng Israel’” (Mga Gawa 9:15).

Ngunit hindi naman agad nagpatuloy si Pablo mula sa Daanan ng Damasco tungo sa mga palasyo ng mga hari. Hindi hangga't sa dumating sa Mga Gawa 25 at 26 naisakatuparan ang pangitain sa buhay ni Pablo nang tumayo siya sa harap ni Haring Agripa. At sa pagitan ng mga taong iyon, kinaharap niya ang higit na mga balakid at kabiguan kaysa karaniwang mararanasan ng karamihan sa kabuuan ng ating buhay. Naranasan ni Pablo ang mabilanggo, hagupitin, matinding gutom, insultohin, at mga paghihirap—alang-alang lahat kay Cristo (tingnan ang 2 Mga Taga-Corinto 11:22-28).

Ano ang nag-udyok kay Pablo kahit noong ang lahat ng nangyayari sa paligid ay tila laban sa kanya? Ang kapangyarihan ng pangitaing bigay sa kanya ng Diyos. Ang mapanghawakan ang pangitain ng Diyos sa ating buhay ay palaging magpapanatili sa ating umaabante, ngunit kung wala ito, madali tayong mawawalan ng pag-asa at susuko.

Maaaring hindi natin kailanman maibabahagi ang Ebanghelyo sa mga hari, ngunit ang Diyos ay may pangitain sa ating buhay, tulad ng pagbibigay Niya nito kay Pablo. Kapag pakiramdam mo'y napakaliit mo upang makagawa ng pagbabago, tandaan na ikaw ay isang anak ng Hari.

Panalangin: O Diyos, tulungan akong huwag mapanghinaan ng loob kapag nahaharap sa mga balakid sa pangitaing ibinigay Mo sa akin. Tulungan akong tandaang ito'y Iyong pangitain, at ibibigay Mo ang lahat ng kakailanganin ko upang maisakatuparan ito. Nananalangin ako sa pangalan ni Jesus. Amen.

“Kaya't huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo magsasawa” (Mga Taga-Galacia 6:9).

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Discover God's Vision

Tulad ni Ester, iniukol ng Diyos ang iyong buhay para sa mismong panahong ito. Ang Kanyang mga makalangit na layunin ay nahahayag at natutupad sa pamamagitan ng isang pang-araw-araw na relasyon sa Kanya. Sa 10-araw na debosyonal na ito ni Dr. Michael Youssef, mahihikayat kang hanapin at tumugon sa pangitain ng Diyos para sa iyong buhay. Matutunang mamumuhay batay sa pananampalataya at makilala nang mas malalim ang Diyos habang namumuhay batay sa Kanyang walang hanggang perspektibo.

More

We would like to thank Leading The Way for providing this plan. For more information, please visit: www.LTW.org