Tuklasin ang Pangitain ng DiyosHalimbawa
Ang Pangitain ni Ester
Ni Michael Youssef, Ph.D.
Sa Lumang Tipan, matututunan natin ang tungkol sa isang ordinaryong babaeng nagngangalang Ester na nakakita ng isang pangangailangan at tinugunan ito. Si Ester ay isang Judiong babaeng bihag na naninirahan sa Persia. Sa pamamagitan ng plano ng Diyos, naikasal siya kay Haring Xerxes at nailagay sa isang natatanging posisyon na tulungan ang kanyang mga kababayan.
Nang sumang-ayon ang hari sa planong paglipol sa mga Judio sa kanyang kaharian, tanging si Ester lang ang posibleng makapagpabago ng isip nito. Inilagay siya ng Diyos sa tamang lugar sa tamang tiyempo. Ang pinsan niyang si Mordecai ang nakatunton ng katotohanang ito: “Baka nga napunta ka riyan para maging kasangkapan sa ganitong pagkakataon!” (Ester 4:14b).
At ano ang naging tugon ni Ester sa panawagan para sa tulong ni Mordecai?
Dahil dito, ipinasabi ni Ester kay Mordecai, “Tipunin mo ang lahat ng Judio rito sa Susa at ipag-ayuno ninyo ako. Huwag kayong kakain o iinom sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. Mag-aayuno rin kami ng aking mga katulong na babae. Pagkatapos, pupunta ako sa hari kahit ito'y labag sa batas, at kung dapat akong mamatay, ako nga ay mamamatay” (Ester 4:15-16).
Hindi madali ang naging pasya ni Ester. Nag-alangan siya. Nakipagbuno siya sa kanyang mga pangamba patungkol sa kanyang kinabukasan. Alam niyang isinasapanganib niya ang kanyang buhay sa paglapit sa hari. Ngunit kalaunan alam niya ang nais ng Diyos na gawin niya, at sumunod siya.
Panalangin: O Diyos, salamat Sa'yo sa halimbawa ni Ester, na nakakita ng isang pangangailangan at tumugon sa pagsunod sa inuutos Mo na kanyang gawin. Tulungan akong magkaroon ng ganyang lakas ng loob at pangitain. Nananalangin ako sa pangalan ni Jesus. Amen.
“Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man magpunta.” (Josue 1:9).
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tulad ni Ester, iniukol ng Diyos ang iyong buhay para sa mismong panahong ito. Ang Kanyang mga makalangit na layunin ay nahahayag at natutupad sa pamamagitan ng isang pang-araw-araw na relasyon sa Kanya. Sa 10-araw na debosyonal na ito ni Dr. Michael Youssef, mahihikayat kang hanapin at tumugon sa pangitain ng Diyos para sa iyong buhay. Matutunang mamumuhay batay sa pananampalataya at makilala nang mas malalim ang Diyos habang namumuhay batay sa Kanyang walang hanggang perspektibo.
More