Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tuklasin ang Pangitain ng DiyosHalimbawa

Discover God's Vision

ARAW 9 NG 10

Tumuon kay Cristo

Ni Michael Youssef, Ph.D.

Isa sa pinakamahirap na aral nating matututunan ay ang kaharapin ang isang negatibong sitwasyon at gawin itong isang positibong karanasan. Sa Awit 23, pinaaalalahanan tayo ni Haring David na ito ay nakabatay sa pananampalataya at perspektibo. Isinulat niya ang, “Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay” (Awit 23:4).

Ang mga salita ni David ay mga tuntungang bato tungo sa dakilang pananampalataya. Ang totoo nito, kung isasabuhay natin ang prinsipyong kanyang isinabuhay, malilinang ng Diyos ang isang matagumpay na pananampaltaya sa ating mga buhay.

Nabuhay si David na kumakaharap ng kahirapan at, paminsan-minsan, tayo rin. Walang nakakaligtas sa paghihirap. Ito'y kabahagi na ng pamumuhay sa isang nadungisang mundo, ngunit hindi natin kailangang mamuhay nang may damdaming talunan, sira ang loob, at mapamuna.

Maaaring iniisip mo ang: Ngunit hindi mo alam ang aking sitwasyon. Hindi mo kayang maunawaan ang kagipitan o kasiraan ng loob na nagpapahirap sa puso ko.

Bagama't hindi talaga nating lubos na mauunawaan ang sakit na nararanasan ng ibang tao, alam nating may isang taong ganap na nakakaunawa at iyan ay si Jesu-Cristo.

Siya ay tinanggihan, ipinagkanulo, pinulaan, at ipinako sa krus. Kung naghahanap ka ng taong makakaunawa ng sakit na nararamdaman mo, gawin ang ginawa ni David—kilalaning may Isang naglalakad sa libis kasama mo. Gaano man kadilim ang buhay, aakayin ka Niya sa tagumpay sa huli.

Panalangin: O Diyos, habang kumakaharap ako ng mga pagsubok at kasiraan ng loob, tulungan akong tandaan na nauunawaan Mo ang pinagdadaanan ko. Tulungan akong tumuon sa Iyo at tandaang hindi ako nag-iisa. Nananalangin ako sa pangalan ni Jesus. Amen.

“Sinabi ko ito sa inyo upang kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!” (Juan 16:33).

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Discover God's Vision

Tulad ni Ester, iniukol ng Diyos ang iyong buhay para sa mismong panahong ito. Ang Kanyang mga makalangit na layunin ay nahahayag at natutupad sa pamamagitan ng isang pang-araw-araw na relasyon sa Kanya. Sa 10-araw na debosyonal na ito ni Dr. Michael Youssef, mahihikayat kang hanapin at tumugon sa pangitain ng Diyos para sa iyong buhay. Matutunang mamumuhay batay sa pananampalataya at makilala nang mas malalim ang Diyos habang namumuhay batay sa Kanyang walang hanggang perspektibo.

More

We would like to thank Leading The Way for providing this plan. For more information, please visit: www.LTW.org