Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tuklasin ang Pangitain ng DiyosHalimbawa

Discover God's Vision

ARAW 4 NG 10

Pagsunod sa Pangitain

Ni Michael Youssef, Ph.D.

Binigyan ka na ba ng Diyos ng gagawin na tila napakahirap para sa'yo? Maaaring tinawagan ka Niyang manguna sa isang maliit na grupo sa iyong tahanan. O maaaring may espesipikong tao sa buhay mong kailangang makarinig ng Ebanghelyo. Imbes na magalak sa Kanyang pangunguna, iniwasan mo ang iniaatas Niya sa'yo.

Madalas nating sabihin na nais natin ang pangitain ng Diyos at nais nating gamitin tayo ng Diyos, ngunit ang totoong ibig nating sabihin ay sa mga hangganang gusto lang natin. Malakas na ihinahayag ng ating mga salita ang, “Heto ako, Panginoon. Gamitin Mo ako sa anumang paraang gusto Mo.” Ngunit ang bulong ng puso natin ay, “Panginoon, nais kitang paglingkuran, ngunit kung lang sa paggawa sa proyektong ito o pagsisilbi sa lokasyong iyan. Talagang ayaw kong magpatotoo sa partikular na taong ito o partikular na grupong iyan.”

Madaling gawin ang pinagagawa ng Diyos kung ang makikinabang ay isang taong pinagmamalasakitan natin—ngunit paano na lang kung ang nais ng Diyos ay magministeryo tayo sa isang taong nakasusuya, nakakainis, o mapanghamak?

Binigyan ka ba ng Diyos ng isang pangitaing ayaw mo o tinatakbuhan mo ngayon? Kapag inuudyukan tayo ng Diyos na gawin ang isang bagay, kailangan natin Siyang sundin. Napakadalas, hindi natin pinapansin ang Kanyang tinig dahil sa takot, kahihiyan, o pati sa pagmamaliit nito.

Panalangin: O Diyos, patawarin ako sa pagtakbo mula sa pangitaing ibinigay Mo sa akin. Bigyan ako ng lakas ng loob at pagnanais na sumunod sa at maisakatuparan ang pangitaing inihanda Mo para sa aking buhay. Nananalangin ako sa pangalan ni Jesus. Amen.

“At ganito naman ang tugon ni Jesus, “Ang sinumang nag-aararo at palingun-lingon ay hindi karapat-dapat sa kaharian ng Diyos’” (Lucas 9:62).

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Discover God's Vision

Tulad ni Ester, iniukol ng Diyos ang iyong buhay para sa mismong panahong ito. Ang Kanyang mga makalangit na layunin ay nahahayag at natutupad sa pamamagitan ng isang pang-araw-araw na relasyon sa Kanya. Sa 10-araw na debosyonal na ito ni Dr. Michael Youssef, mahihikayat kang hanapin at tumugon sa pangitain ng Diyos para sa iyong buhay. Matutunang mamumuhay batay sa pananampalataya at makilala nang mas malalim ang Diyos habang namumuhay batay sa Kanyang walang hanggang perspektibo.

More

We would like to thank Leading The Way for providing this plan. For more information, please visit: www.LTW.org