Tuklasin ang Pangitain ng DiyosHalimbawa
Pamahalaan ng Pangitain ng Diyos
Ni Michael Youssef, Ph.D.
Ibinibigay ng Diyos ang Kanyang pangitain sa mga mabubuting katiwala. Naghahanap ang Diyos ng mga katiwalang pangangasiwaan nang mabuti ang Kanyang mga plano, kahit may kinakaharap na pagsalungat, kabiguan, pagkainip, o kahit pa mga atakeng espirituwal.
Habang sumusunod tayo sa tiyempo ng Diyos, maaari tayong makaranas ng mga panahon ng pagkabalisa o pagkabigo habang hinihintay nating mailahad ang plano ng Diyos. Tutuksuhin tayo ni Satanas na isantabi ang tiyempo ng Diyos at pagdudahan ang direksyon ng Diyos. Ngunit ipinagkakatiwala ng Diyos ang Kanyang pangitain sa mga alam Niyang magtitiyaga kahit may pang-uusig, mga panahong kailangang maghintay, at labanang espirituwal.
Ibinibigay din ng Diyos ang Kanyang pangitain sa mga tapat sa maliliit na bagay. Magbibigay Siya ng mas dakilang pangitain sa mga tapat sa kung ano na ang ipinagkatiwala sa kanila. Itinuturo ng Biblia na ganito ginagantimpalaan ng Diyos ang Kanyang mga tapat na lingkod. “Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya gagawin kitang tagapamahala ng malaking halaga.” (Mateo 25:21, 23).
Ang mabuting balita ay hindi kailanman huli para hanapin ang pangitain ng Diyos. Palagi tayong nasa tamang sandali ng ating buhay upang mapagpasyahang parangalan ang Diyos at hanapin ang kaligayahan sa Kanya.
Panalangin: O Diyos, nananalangin akong ako'y maging isang mabuting katiwala ng pangitaing ibinibigay Mo at na magtitiyaga ako anumang mga pagsubok ang kaharapin ko. Nananalangin ako sa pangalan ni Jesus. Amen.
“Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ninyo ang kanyang ipinangako” (Mga Hebreo10:36).
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tulad ni Ester, iniukol ng Diyos ang iyong buhay para sa mismong panahong ito. Ang Kanyang mga makalangit na layunin ay nahahayag at natutupad sa pamamagitan ng isang pang-araw-araw na relasyon sa Kanya. Sa 10-araw na debosyonal na ito ni Dr. Michael Youssef, mahihikayat kang hanapin at tumugon sa pangitain ng Diyos para sa iyong buhay. Matutunang mamumuhay batay sa pananampalataya at makilala nang mas malalim ang Diyos habang namumuhay batay sa Kanyang walang hanggang perspektibo.
More