Tuklasin ang Pangitain ng DiyosHalimbawa
Pagtugon sa Mga Pangangailangan
Ni Michael Youssef, Ph.D.
Ang pagkakaroon at pagsunod sa isang pangitain ay hindi lang para sa mga malaki kung managinip at mga tagapagbago ng mundo. Bilang mga Cristiano, lahat tayo ay tinawag ng Diyos na pagsikapan ang Kanyang plano at layunin sa ating buhay. Ang pagkakaroon ng pangitain ay gagabay sa kapwa iyong destinasyon at direksyon sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng Diyos.
Ang mga pangitain ay maaring malaki o maliit. Maaari ang mga itong maging pandaigdigan o lokal. Ngunit hindi kinakailangang maging komplikado ang isang pangitain. Sa kaibuturan ng pagkakaroon ng makapagbabago-ng-buhay na pangitain ay ang makakita ng isang pangangailangan —at pagtugon sa pangangailangan na iyon.
Nilagay tayo ng Diyos sa ating mga trabaho, ating mga tirahan, at ating mga pamilya dahil sa isang layunin—na tugunan ang mga pangangailangang nakapaligid sa atin. Ang mga taong tunay na may kumpiyansang posible ang pagbabago ay ang mga may abilidad na kilalanin ang mga pangangailangang nakapaligid sa kanila, at ang determinasyon at kahandaang tugunan ang mga pangangailangang iyon.
Gaano kadalas tayong nakakakita ng isang pangangailangan, ngunit walang ginagawa tungkol dito? Maaari tayong makaramdam ng awa o pagkabahala, ngunit dumistansya at walang gawin tungkol dito. Hindi tayo handang isapalaran ang ating kaginhawahan, ating reputasyon, at ating seguridad. Ngunit hindi tayo maaaring maging taong katuwang sa pangitain ng Diyos malibang handa tayong isapalaran ang lahat para sa Kanya.
Nais ng Diyos na makagawa tayo ng pagbabago sa buhay ng ibang tao. May dahilang binigyan ka Niya ng mga pagpapala, kaloob, talento, masasangguni, at koneksyon.
Panalangin: Ama, tulungan akong kilalanin ang mga pangangailangang nakapaligid sa akin at magkaroon ng kahandaan at lakas ng loob na tugunan ang mga pangangailangang iyon. Nananalangin ako sa pangalan ni Jesus. Amen.
“Kapag nakikita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at hindi niya ito tinulungan, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos? ” (1 Juan 3:17).
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tulad ni Ester, iniukol ng Diyos ang iyong buhay para sa mismong panahong ito. Ang Kanyang mga makalangit na layunin ay nahahayag at natutupad sa pamamagitan ng isang pang-araw-araw na relasyon sa Kanya. Sa 10-araw na debosyonal na ito ni Dr. Michael Youssef, mahihikayat kang hanapin at tumugon sa pangitain ng Diyos para sa iyong buhay. Matutunang mamumuhay batay sa pananampalataya at makilala nang mas malalim ang Diyos habang namumuhay batay sa Kanyang walang hanggang perspektibo.
More