Tuklasin ang Pangitain ng DiyosHalimbawa
Maghanda Para sa ang Iyong Pangitain
Ni Michael Youssef, Ph.D.
Ang Diyos ay may natatanging pangitain at layunin para sa bawat isang anak Niya. Nais ng Diyos na Siya'y maparangalan sa pamamagitan ng ating mga buhay. Gayunpaman, ang pag-unawa ng pangitain ng Diyos, ay naiiba sa pagpili ng sarili nating pangitain. Kapag gumagawa tayo ng mga plano, gusto natin na nakalatag na ang lahat.
Pag-isipan ang huling beses na nagbiyahe ka. Noong binalak mo ang iyong biyahe, ninais mong malaman kung saan ito magsisimula, kung saan ito magwawakas, kung saan ka titigil pansamantala, at ang eksaktong itatagal nito.
Ganyan din ang pamamalakad sa buhay ng marami sa atin—sinusubukan nating planuhing patiuna ang lahat ng detalye; nais nating malaman ang lahat ng kasagutan bago pa nating simulan ang biyahe. Kaya lang, hindi inilalantad ng Diyos ang Kanyang pangitain sa ating buhay nang minsanan. Inilalantad ng Diyos ang Kanyang pangitain kapag alam Niyang handa at may kakayahan na tayong tanggapin ito.
Habang may kahandaan tayong sumusunod sa Kanya, ibibigay Niya ang lahat ng kailangan natin upang maisakatuparan ang Kanyang mga layunin. Kahit may makasalubong tayong mga balakid at di-inaasahang mga pagbabago sa daraanan, maaari tayong manampalatayang ang pangitain ng Diyos para sa ating mga buhay ang mananaig.
Panalangin: O Diyos, tulungan akong isantabi ang aking mga plano at magtiwala sa Iyong pangitain para sa aking buhay. Nananalangin ako sa pangalan ni Jesus. Amen.
“Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.” (Mga Kawikaan 3:5).
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tulad ni Ester, iniukol ng Diyos ang iyong buhay para sa mismong panahong ito. Ang Kanyang mga makalangit na layunin ay nahahayag at natutupad sa pamamagitan ng isang pang-araw-araw na relasyon sa Kanya. Sa 10-araw na debosyonal na ito ni Dr. Michael Youssef, mahihikayat kang hanapin at tumugon sa pangitain ng Diyos para sa iyong buhay. Matutunang mamumuhay batay sa pananampalataya at makilala nang mas malalim ang Diyos habang namumuhay batay sa Kanyang walang hanggang perspektibo.
More