Tuklasin ang Pangitain ng DiyosHalimbawa
Hingin ang Pangitain ng Diyos
Ni Michael Youssef, Ph.D.
Upang maunawaan at maangkin ang pangitain ng Diyos, kailangan nating hingin ito sa Kanya. Sinasabi sa atin ng Biblia na hindi natin nakakamtan ang ating minimithi dahil hindi tayo humihingi—at kung minsan kapag humihingi tayo, makasarili ang ating mga motibo sa paghingi sa halip na sa mga motibong magpaparangal Diyos. Ngunit ipinapangako sa atin ng Diyos ang, “Tumawag ka sa akin, at ako'y sasagot sa iyo, at magsasabi sa iyo ng mga dakila at makapangyarihang bagay na hindi mo nalalaman.” (Jeremias 33:3 ABTAG01). Nais ng Diyos na maihayag ang sarili Niya sa atin ngunit, kailangan muna nating hingin ito sa Kanya nang may dalisay na motibo at kasigasigan.
Ang salita para sa “tumawag” sa bersikulong ito ay nangangahulugang gawin ito nang patuloy. Inuutusan tayong humingi nang patuloy hangga't sa ihayag ng Diyos ang Kanyang pangitain sa atin. Ang kasigasigan ang nagtuturo sa ating umasa sa Diyos habang hinuhubog Niya ang ating mga puso na hanapin ang kaligayahan sa Kanya.
Kahanga-hanga ang ginagawa ng Diyos sa atin habang pinagsisikapan natin ang Kanyang kalooban. Habang hinahanap natin sa Kanya ang Kanyang kalooban, natututunan natin kung sino Siya at napasisimulan nating hanapin ang kaligayahan sa Kanya at sa Kanyang kalooban sa halip na sa sarili nating kalooban. Habang Siya ay nagiging mithiin ng ating mga puso, naiaayon at naihahanda tayong tanggapin ang Kanyang kalooban at pangitain sa ating mga buhay.
Panalangin: O Diyos, nananalangin akong ipahayag Mo ang Iyong pangitain sa akin ngayon. Ipakita sa akin kung saan Mo ako nais pumunta at nais Mong gawin ko. Nananalangin ako sa pangalan ni Jesus. Amen.
“Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako, iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa” (Mga Awit 138:3 ABTAG01).
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tulad ni Ester, iniukol ng Diyos ang iyong buhay para sa mismong panahong ito. Ang Kanyang mga makalangit na layunin ay nahahayag at natutupad sa pamamagitan ng isang pang-araw-araw na relasyon sa Kanya. Sa 10-araw na debosyonal na ito ni Dr. Michael Youssef, mahihikayat kang hanapin at tumugon sa pangitain ng Diyos para sa iyong buhay. Matutunang mamumuhay batay sa pananampalataya at makilala nang mas malalim ang Diyos habang namumuhay batay sa Kanyang walang hanggang perspektibo.
More