Our Daily Bread 15-Araw na EdisyonHalimbawa
Suriin ang Malinaw na Pagkakamali
Nang si Bill Husted ay dumalo sa kanyang ika-40 taong reunion sa high school, siya ay nakipagkamay at nakipagkumustahan sa mga tao sa loob ng 20 minuto bago niya napagtantong may dalawang reunion sa gusali noong araw na iyon at siya ay nasa maling pagtitipon.
Ginamit ni Husted, isang manunulat ng teknolohiya para sa Atlanta Journal-Constitution, ang karanasang iyon upang ilarawan ang isa sa kanyang matagal nang pinanghahawakang katotohanan sa pagkukumpuni ng computer: Suriin ang malinaw na pagkakamali sa simula pa lamang.
Bago mo palitan ang sound card, siguraduhing ang kontrol ng lakas ng tunog ay hindi nakababa. Kung ang modem ay hindi gumagana, suriin upang makita kung ito ay konektado.
Ang "Pagsusuri sa malinaw na pagkakamali" ay maaaring maging isang mahusay na prinsipyo rin para sa pag-aayos ng espirituwal na buhay natin. Ang Mga Taga-Colosas 3:12-17 ay nagtala ng isang dosenang espirituwal na katangian na nagpapahiwatig ng isang malusog na kaluluwa. Ilan sa mga ito ay kahabagan, kabaitan, kapakumbabaan, kahinahunan, pagtitiis, kapatawaran, pagmamahal, at pagpapasalamat.
Bago ang pagpuna sa ating simbahan o ibang mga grupo ng Cristiano, maaari nating hilingin sa Panginoon na ipakita ang ating sariling mga pagkukulang. Bago iwaksi ang mga gusot ng ating mga relasyon sa buhay, maaaring suriin mo muna upang makita kung ang pagtitiis at kapatawaran ay nakaugnay sa ating puso. Mabuting tingnan ang kaibuturan ng ating puso—upang suriin muna ang malinaw na pagkakamali— kahit na sa pakiramdam natin ay ang ilan sa ating mga problema ay sanhi ng iba. —David McCasland
Susuriin ko muna ang kaloob-looban ng aking sariling puso,
Ang malinaw na makikita,
Ang mga pagkakamali na nakikita ko sa iba
Ay talagang mali na nasa akin. —D. DeHaan
Ang pag-ibig na tulad ng kay Cristo ay mapagtiis sa mga pagkakamali ng iba.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nais naming hikayatin ka sa isang masinsinan, araw-araw, puso-sa-puso na relasyon sa Diyos. Milyun-milyong mga mambabasa sa buong mundo ang nagsisimula na sa kanilang pang araw-araw na debosyon gamit ang Our Daily Bread para sa mga sandali ng tahimik na pagmumuni-muni. Sa loob lamang ng ilang minuto sa bawat araw, ang mga nakapagbibigay inspirasyong mga kuwentong kayang magbago ng ating buhay ay itutuon ang iyong pansin sa iyong makalangit na Ama at ang karunungan at mga pangako ng Kanyang walang hanggang Salita.
More
Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.odb.org/app