Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Our Daily Bread 15-Araw na EdisyonHalimbawa

Our Daily Bread 15-Day Edition

ARAW 2 NG 15

Masyadong Maaga Pa Para Sumuko

Si Chris Couch ay 16 na taong gulang pa lamang nang siya ay unang makasama upang maglaro ng golf sa pinakamataas na antas nito sa PGA Tour. Mabilis ang pagpapahayag na siya ang susunod na sisikat sa larangan ng golf at siguradong magtatagumpay para sa mga darating na taon.

Ang buhay, gayunpaman, ay naging higit pa sa mahirap na gawain para sa kanya. Hindi agad-agad natamasa ni Chris ang tagumpay kundi naranasan niyang magtiis sa loob ng 16 taon at 3 iba't ibang trabaho sa mga "mini-tours." Kahit na natutuksong sumuko, si Couch ay nagtiyaga at sa wakas, sa edad na 32, ay nanalo sa Tour sa unang pagkakataon nang magtagumpay siya sa New Orleans Open sa isang kapanapanabik na pagtatapos. Ang kanyang pagtitiyaga ay nagbunga, ngunit hindi ito naging madali.

Sa kanyang aklat na A Long Obedience in the Same Direction, ang guro sa Biblia na si Eugene Peterson ay nagpaalala sa atin na ang buhay Cristiano ay may malaking pagkakahambing sa isang marathon kaysa 100-meter dash. Sinabi ni Peterson na tinawag tayo upang magtiyaga sa "pangmatagalan, isang bagay na nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng buhay."

Sa pamamagitan ng biyaya at kalakasan ni Cristo, kakayanin din nating "tumakbo nang buong tiyaga" sa paligsahan ng ating buhay (Mga Hebreo 12:1). At sa pamamagitan ng halimbawa ng Panginoon na tutulong at magpapalakas ng loob natin, maaari tayong, tulad ni apostol Pablo, tumakbo upang mapanalunan ang gantimpalang "panghabang panahon" (1 Corinto 9:25).

Masyadong maaga pa upang sumuko. —Bill Crowder

O Para sa isang pananampalatayang hindi uurong,
Kahit iniipit ng bawat kaaway,
Na hindi manginginig sa gilid ng anumang
Makamundong pagnanasa. —Bathurst

Lumaban sa takbuhin na nakatingin sa walang-hanggang buhay.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Our Daily Bread 15-Day Edition

Nais naming hikayatin ka sa isang masinsinan, araw-araw, puso-sa-puso na relasyon sa Diyos. Milyun-milyong mga mambabasa sa buong mundo ang nagsisimula na sa kanilang pang araw-araw na debosyon gamit ang Our Daily Bread para sa mga sandali ng tahimik na pagmumuni-muni. Sa loob lamang ng ilang minuto sa bawat araw, ang mga nakapagbibigay inspirasyong mga kuwentong kayang magbago ng ating buhay ay itutuon ang iyong pansin sa iyong makalangit na Ama at ang karunungan at mga pangako ng Kanyang walang hanggang Salita.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.odb.org/app