Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Our Daily Bread 15-Araw na EdisyonHalimbawa

Our Daily Bread 15-Day Edition

ARAW 3 NG 15

Kami ay Yumuyuko

Ang mga sinaunang Griego at mga Romano ay tumangging lumuhod bilang bahagi ng kanilang pagsamba. Sinabi nilang ang pagluhod ay hindi nararapat sa isang malayang tao, hindi angkop sa kultura ng Gresya, at angkop lamang para sa mga barbaro. Ang mga iskolar na sina Plutarch at Theophrastus ay itinuring ang pagluhod bilang pagpapahayag ng pamahiin. Tinawag ito ni Aristotle na isang barbarong pag-uugali. Ang paniniwalang ito, gayunpaman, ay hindi kailanman pinanghawakan ng bayan ng Diyos.

Sa Mga Awit 95:6, ipinahiwatig ng salmista na ang pagluhod ay nagpapahayag ng isang matinding paggalang sa Diyos. Sa isang talatang ito, siya ay gumamit ng tatlong magkakaibang salitang Hebreo upang ipahayag kung ano ang dapat na maging saloobin at katayuan ng mananamba.

Una, ginamit niya ang salitang pagsamba, na nangangahulugan na magpatirapa bilang tanda ng paggalang sa Panginoon, na may nauugnay na kahulugan ng pagiging tapat sa Kanya. Ang pangalawang salitang ginamit niya ay yumuko. Nangangahulugan ito ng pagsubsob habang nakaluhod, pagbibigay paggalang at pagsamba sa Panginoon. Pagkatapos ay ginamit ng salmista ang salitang lumuhod, na nangangahulugan ng pagyuko sa mga tuhod habang nagbibigay ng papuri sa Diyos.

Ayon sa salmista, ang pagluhod sa presensiya ng Diyos ay isang tanda ng paggalang sa halip na isang pangit o naiibang paraan ng pag-uugali. Ang mahalaga rito, gayunpaman, ay hindi lamang ang ating pisikal na posisyon kundi isang mapagpakumbabang kalagayan ng puso. —Marvin Williams

Panginoong walang kaparis, maluwalhating Diyos,
Nananahan sa kawalang-hanggan,
Yumuyuko ako sa Iyo at binibigyang papuri Ka,
Namamangha dahil nabubuhay ka sa akin. —Sper

Ang ating saloobin sa pagsamba ay mas mahalaga kaysa sa posisyon ng ating pagsamba.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Our Daily Bread 15-Day Edition

Nais naming hikayatin ka sa isang masinsinan, araw-araw, puso-sa-puso na relasyon sa Diyos. Milyun-milyong mga mambabasa sa buong mundo ang nagsisimula na sa kanilang pang araw-araw na debosyon gamit ang Our Daily Bread para sa mga sandali ng tahimik na pagmumuni-muni. Sa loob lamang ng ilang minuto sa bawat araw, ang mga nakapagbibigay inspirasyong mga kuwentong kayang magbago ng ating buhay ay itutuon ang iyong pansin sa iyong makalangit na Ama at ang karunungan at mga pangako ng Kanyang walang hanggang Salita.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.odb.org/app