Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Our Daily Bread 15-Araw na EdisyonHalimbawa

Our Daily Bread 15-Day Edition

ARAW 8 NG 15

Ang Parmasyutiko

Ang parmasyutiko ay may mabuting reputasyon. Siya ay padre de pamilya at isang mahusay na negosyante. Ang mga ulat ng balita ay naglalagay sa kanyang yamang nagkakahalaga ng milyun-milyon. Gayunpaman, upang madagdagan ang kanyang kita, ang pinagkakatiwalaang propesyonal na ito ay nagsimulang palabnawin ang lakas ng mga gamot na pang-chemotherapy na ibinibigay niya. Siya ay nahuli at nahatulan sa krimen. Siya ay nag-iwan ng tanong sa maraming ka-manggagawa sa pangkalusugan, "Paano ito nangyari?"

Ang ilan sa mga katulad na tanong ay maaaring naitanong na rin tungkol kay Haring David. Kilala bilang isang taong malapit sa puso ng Diyos, ginamit niya ang kapangyarihan ng kanyang katungkulan upang agawin ang asawa ng isang lalaki (2 Sam. 11). Pagkatapos ay nakipagsabwatan siya upang kitilin ang buhay ng asawa nito. Ang taong namatay ay isa sa mga opisyal ng militar ni David na nasa malayong lugar upang makipaglaban para sa hari. Maaari nating tingnan ang mga pagkabigo ng mga kilalang tao upang maging mas mahusay ang pakiramdam natin tungkol sa ating sarili. Ngunit kung gumagaan ang pakiramdam natin dahil sa mga kamalian ng ibang tao, hindi natin kilala ang ating sarili. Hindi sinasabi sa atin ng Biblia ang tungkol sa mga kasalanan ni David upang pahinain ang ating pakiramdam laban sa mga kasalanang moral, kundi upang pansinin natin ang mga bagay-bagay. Ang mga kabiguan ng iba ay dapat na maging sanhi upang mas lalo nating makilala ang ating mga kahinaan at pangangailangan para sa biyaya ni Cristo. Kung alam natin ang ating kahinaan tayo ay matututong magtiwala sa lakas ng ating Diyos. —Mart DeHaan

Ang Biblia, O Panginoon, ay katulad ng isang salamin
Na nagpapakita sa akin ng pangangailangan ng aking puso,
Sapagkat sa loob nito nakikita ko ang tumpak na larawan,
Isang larawan ng totoong ako—ng aking bawat bahagi. —Hess

Ang Biblia ay isang salamin na nagpapakita kung paano tayo nakikita ng Diyos.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Our Daily Bread 15-Day Edition

Nais naming hikayatin ka sa isang masinsinan, araw-araw, puso-sa-puso na relasyon sa Diyos. Milyun-milyong mga mambabasa sa buong mundo ang nagsisimula na sa kanilang pang araw-araw na debosyon gamit ang Our Daily Bread para sa mga sandali ng tahimik na pagmumuni-muni. Sa loob lamang ng ilang minuto sa bawat araw, ang mga nakapagbibigay inspirasyong mga kuwentong kayang magbago ng ating buhay ay itutuon ang iyong pansin sa iyong makalangit na Ama at ang karunungan at mga pangako ng Kanyang walang hanggang Salita.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.odb.org/app