Our Daily Bread 15-Araw na EdisyonHalimbawa
Ang Tahimik na Lansangan
Limampung Milya sa kanluran ng Asheville, North Carolina, iniwan ko ang magulo at masalimuot na lansangan at binaybay ang natitirang distansya papunta sa lungsod sa magandang tanawin ng Blue Ridge Parkway. Nang hapong iyon ng Oktubre, dahan-dahan kong binaybay ang daanan, madalas na humihinto upang namnamin ang magagandang tanawin ng bundok at ang mga huling dahon ng taglagas. Ang paglalakbay na ginawa ko ay hindi ang pinakamabilis na paraan upang makarating sa patutunguhan, ngunit ito ay mabisa sa pagpapanumbalik ng aking kaluluwa.
Ang karanasang ito ay nagbigay sa akin ng isang katanungan, "Gaano kadalas ba ako naglalakbay sa tahimik na daan kasama ni Jesus? Lumalabas ba ako sa mabilis na daanan ng aking mga responsibilidad at mga alalahanin upang ituon ang aking pansin sa Kanya ng sandaling panahon bawat araw? Pagkatapos ng isang masigasig na araw ng pag-ministeryo ng mga alagad ni Jesus, sinabi Niya sa kanila,“Magpunta tayo sa isang lugar na kung saan maaari tayong makapagsarilinan, at upang makapagpahinga kayo nang kaunti” (Marcos 6:31). Sa halip na isang mahabang bakasyon, nagkaroon lamang sila ng isang maikling biyahe sa bangka nang magkakasama bago sila dinagsa ng mga tao. Nasaksihan ng mga alagad ang habag ng Panginoon at sumama sa Kanya upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao (vv.33-43). Nang matapos ang mahabang araw, naghanap si Jesus ng kapahingahan sa pananalangin sa Kanyang Ama sa langit (v.46). Si Jesus na ating Panginoon ay lagi nating kasama maging ang buhay man ay napakahirap o tahimik, ngunit may malaking halaga sa paglalaan ng panahon bawat araw upang lumakad sa tahimik na daan kasama Niya. —David McCasland
May isang lugar ng tahimik na kapahingahan,
Malapit sa puso ng Diyos;
Isang lugar kung saan hindi ka maaaring guluhin ng kasalanan,
Malapit sa puso ng Diyos. —McAfee
Ang oras na ginugol mo sa Panginoon ay oras na ginugol nang maayos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nais naming hikayatin ka sa isang masinsinan, araw-araw, puso-sa-puso na relasyon sa Diyos. Milyun-milyong mga mambabasa sa buong mundo ang nagsisimula na sa kanilang pang araw-araw na debosyon gamit ang Our Daily Bread para sa mga sandali ng tahimik na pagmumuni-muni. Sa loob lamang ng ilang minuto sa bawat araw, ang mga nakapagbibigay inspirasyong mga kuwentong kayang magbago ng ating buhay ay itutuon ang iyong pansin sa iyong makalangit na Ama at ang karunungan at mga pangako ng Kanyang walang hanggang Salita.
More
Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.odb.org/app