Our Daily Bread 15-Araw na EdisyonHalimbawa
Isang Palabas Lamang
Tumataas ang bilang ng mga aklat na may mga antigong katad na binibili para sa kanilang mga pabalat at hindi dahil sa kanilang nilalaman. Ang mga interior designers ay bumibili ng yarda-yardang sukat nito upang gamitin para lumikha ng isang maaliwalas at tila ba ikaw ay nasa isang lumang mundong kapaligiran sa mga tahanan ng mayayamang kliyente.
Napakahalagang ito ay tumutugma sa mga palamuti ng isang silid. Ang isang mayamang negosyante ay bumili ng 13,000 mga antigong libro na hindi naman niya babasahin kundi upang lumikha lamang ng anyong aklatan sa kanyang ipinaayos na bahay. Ang mga aklat na iyon ay isang palabas lamang.
Ang pagtuon sa panlabas na anyo ay maaaring maging isang kasiya-siyang paraan upang magdekorasyon ng isang bahay, ngunit isang mapanganib na paraan upang mabuhay. Sinaway ni Jesus ang maraming mga lider ng relihiyon sa Kanyang kapanahunan dito sa lupa dahil hindi nila ginagampanan ang kanilang ipinangangaral. Sila ay gumon sa pagtanggap ng papuri at pagpapahalaga sa sarili. Sa halip na buksan ang kaharian ng langit sa mga tao, isinara nila ang pintuan sa mukha ng mga ito. Sinabi ni Jesus ito patungkol sa kanila, "Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa" (Mateo 23:5).
Tinatawag tayo ng Panginoon na maging mga taong may mahahalagang sangkap na panloob, hindi lamang panlabas na anyo. Dapat nating ipakita ang katotohanan ng Kanyang presensya sa atin sa pamamagitan ng isang saloobin ng kapakumbabaan. "Ang pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo" (v.11).
Sa pamumuhay para kay Jesus, ang ating kalooban ay mas mahalaga kaysa sa ating panlabas. Narito tayo hindi para magpakitang-tao lang. —David McCasland
Hayaang manaig ang kalooban ng Diyos kaysa sa aking nais,
Walang maraming tanong; huwag nang maghanap ng kahit ano;
Gawin mo nang may pagpapakumbaba ang iyong tungkulin nang may kasiyahan,
Isinasabuhay ang Kanyang katotohanan at biyaya. —Anon.
Kung pinamamahalaan ka ng Diyos sa iyong kaloob-looban, ikaw ay magiging totoo sa nakikita sa iyong panlabas na anyo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nais naming hikayatin ka sa isang masinsinan, araw-araw, puso-sa-puso na relasyon sa Diyos. Milyun-milyong mga mambabasa sa buong mundo ang nagsisimula na sa kanilang pang araw-araw na debosyon gamit ang Our Daily Bread para sa mga sandali ng tahimik na pagmumuni-muni. Sa loob lamang ng ilang minuto sa bawat araw, ang mga nakapagbibigay inspirasyong mga kuwentong kayang magbago ng ating buhay ay itutuon ang iyong pansin sa iyong makalangit na Ama at ang karunungan at mga pangako ng Kanyang walang hanggang Salita.
More
Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.odb.org/app