Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Our Daily Bread 15-Araw na EdisyonHalimbawa

Our Daily Bread 15-Day Edition

ARAW 9 NG 15

Ang Makina Para sa Sakit

Si Dr. Paul Brand, na nagsilbi bilang misyonerong medikal sa India, ay nagkuwento tungkol sa mga ketongin na may kakilakilabot na kapinsalaan sa kanilang katawan dahil ang mga nerve endings nila ay hindi nakakaramdam ng sakit. Hindi sila nakakaramdam ng sakit kahit na mapadikit sila sa apoy o mahiwa ang kanilang daliri ng isang kutsilyo, kaya't napabayaan nila ang kanilang mga sugat nang hindi nagagamot. Nagdulot ito ng impeksiyon at kapinsalaan sa katawan.

Si Dr. Brand ay nakaimbento ng isang makina na tumutunog kapag sila ay napapadikit sa apoy o matulis na bagay. Nagbibigay ito ng mga babala ng kapinsalaan kahit na walang nararamdamang sakit. Nakasuot ang mga makina sa mga daliri at paa ng mga pasyente. Naging maayos naman ito hanggang naisin nilang maglaro ng basketball. Tinanggal nila ang makina, at madalas na nasusugatan silang muli nang hindi nila nalalaman.

Tulad ng sakit na nararamdaman ng ating katawan, ang ating budhi ay nagbibigay din ng hudyat sa espirituwal na kapinsalaan. Ganunpaman, ang palagian at walang pagsisising kasalanan ay maaaring magpamanhid sa ating budhi (1 Timoteo 4:1-3). Upang mapanatili ang isang malinaw na budhi, kailangan nating tumugon sa sakit ng pagkakasala sa pamamagitan ng pag-amin (1 Juan 1: 9), pagsisisi (Mga Gawa 26:20), at pagbabayad-pinsala sa kapwa (Lucas 19:8). Maaaring sabihin ni Pablo nang may pananalig, "Kaya't pinagsisikapan kong laging maging malinis ang aking budhi sa harap ng Diyos at ng tao" (Mga Gawa 24:16). Tulad niya, hindi tayo dapat maging manhid sa masakit na paalala ng Diyos ng ating kasalanan kundi hayaan itong magbunga sa atin ng makadiyos na katangian. —Dennis Fisher

Ang aking budhi ay dapat may malawak na kaalaman
Mula sa Banal na Salita ng Diyos,
Sapagkat ang budhi ay maaaring mapinsala
Kapag ang dalisay na pamantayan ay mapapabayaan. —Fraser

Ang isang malinis na budhi ay tila isang malambot na unan.
Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Our Daily Bread 15-Day Edition

Nais naming hikayatin ka sa isang masinsinan, araw-araw, puso-sa-puso na relasyon sa Diyos. Milyun-milyong mga mambabasa sa buong mundo ang nagsisimula na sa kanilang pang araw-araw na debosyon gamit ang Our Daily Bread para sa mga sandali ng tahimik na pagmumuni-muni. Sa loob lamang ng ilang minuto sa bawat araw, ang mga nakapagbibigay inspirasyong mga kuwentong kayang magbago ng ating buhay ay itutuon ang iyong pansin sa iyong makalangit na Ama at ang karunungan at mga pangako ng Kanyang walang hanggang Salita.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.odb.org/app