Our Daily Bread 15-Araw na EdisyonHalimbawa
Ang Gabi
Ang gabi ay isa sa mga paborito kong panahon sa loob ng isang araw. Ito ay tamang oras upang magbaliktanaw sa nakaraan, pansamantalang magpahinga, at pag-isipan ang mga kaganapan sa araw na lumipas—mabuti man o masama. Kapag pinahihintulutan ng panahon, ang aking asawa at ako ay naglalakad, o kung minsan ay magsasalo kami ng tig-isang tasa ng kape at makikipag-usap sa isa't-isa tungkol sa aming araw at kung ano ang aming nagawa. Ito ay isang oras para sa maingat na pag-iisip at pagsusuri, para sa pasasalamat, at para sa panalangin.
Ang ating Panginoon ay may nakagawiang tulad nito sa panahon ng Kanyang ministeryo sa lupa. Sa pagtatapos ng isang nakakapagod at masalimuot na araw, umakyat Siya sa isang bundok nang mag-isa para sa ilang sandali ng pagmumuni-muni at panalangin sa presensya ng Kanyang Ama (Mateo 14:23).
Ang halaga ng tahimik na presensya kasama ang ating Ama sa langit, at ang maingat na pag-usisa kung paano tayo nakibahagi sa buhay sa isang araw ay may malaking kahulugan. Marahil ito ang layunin ng hamon ni apostol Pablo para sa atin upang samantalahin ang bawat pagkakataon (Efeso 5:16); ibig sabihin, tinitiyak nating nagagamit natin sa pinakamahusay na paraan ang oras na ibinibigay sa atin ng Diyos para sa pamumuhay at paglilingkod.
Habang malapit nang magtapos ang isa na namang araw, maglaan ng ilang sandali para sa tahimik na pagmuni-muni. Sa katahimikan ng gabi, maaari nating magawa ito, sa presensya ng Diyos, kumuha ng isang mas tamang pananaw sa buhay at kung paano natin ito ipinamumuhay. —Bill Crowder
Dumaan ako mula sa mundo ng kaguluhan,
Dala-dala ang mga pasanin, mga pagsubok, at mga pagmamalasakit sa buhay
Sa isang maganda, tahimik, at mapayapang lugar
Kung saan nakikipagniig ako nang harapan sa aking si Jesus. —Brandt
Magkakaroon ka ng mas malinaw na paglalarawan kay Jesus kapag mas marami kang oras upang magmuni-muni sa Kanya.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nais naming hikayatin ka sa isang masinsinan, araw-araw, puso-sa-puso na relasyon sa Diyos. Milyun-milyong mga mambabasa sa buong mundo ang nagsisimula na sa kanilang pang araw-araw na debosyon gamit ang Our Daily Bread para sa mga sandali ng tahimik na pagmumuni-muni. Sa loob lamang ng ilang minuto sa bawat araw, ang mga nakapagbibigay inspirasyong mga kuwentong kayang magbago ng ating buhay ay itutuon ang iyong pansin sa iyong makalangit na Ama at ang karunungan at mga pangako ng Kanyang walang hanggang Salita.
More
Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.odb.org/app