Our Daily Bread 15-Araw na EdisyonHalimbawa
Ang Lunas sa Kawalang Kabuluhan
Narinig ko minsan ang mga panayam sa mga nakaligtas mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Naalala ng mga sundalo kung paano nila ginugol ang isang partikular na araw. Ang isa ay nakatago sa isang foxhole; isa o dalawang beses na ang isang tangkeng Aleman ay dumaan malapit sa kanya at nagawa niyang paputukan ito. Ang iba ay naglalaro ng mga baraha upang palipasin ang oras. Ang ilan ay napasama sa matinding pakikipagputukan. Kadalasan, ang araw ay lumilipas tulad ng iba pang mga araw. Nang maglaon, nalaman nila na kasali pala sila sa isa sa pinakamalaki, pinaka-kritikal na sagupaan ng digmaan, ang Battle of the Bulge. Hindi nila naramdaman ang pagiging kritikal nito ng mga panahong iyon dahil wala sa kanila ang nakakita sa kabuuang larawan nito,
Ang mga dakilang tagumpay ay napapanalunan kapag ginagawa ng mga pangkaraniwang tao ang nakatalagang gawain sa kanila. Nang ang mga tagasunod ni Ignatius (1491- 1556) ay nakaranas ng mga panahon ng malaking kaguluhan, iisa ang ibinibigay niyang lunas: "Sa mga panahon ng pagkawasak at kaguluhan ay hindi tayo dapat gumawa ng pagbabago, kundi tumayo at magpakatatag sa mga resolusyon at pagpapasiyang ginawa sa mga araw bago ang mga pagkawasak." Ang mga espirituwal na pakikipaglaban ay dapat na labanan ng mga sandatang pinakamahirap gamitin sa ganoong panahon: panalangin, pagmumuni-muni, pagsusuri sa sarili, at pagsisisi.
Marahil ay nararamdaman mong nasa isang espirituwal na kahungkagan ka. Manatili sa iyong nakatalagang gawain! Ang pagsunod sa Diyos—at tanging pagsunod lamang—ang nag-aalok ng paraan upang makaalis sa pagkawalang-kabuluhan. —Philip Yancey
Kapag ang kaginhawaan ay unti-unting naglalaho,
Ibinibigay Niyang muli ang kapahingahan ng kaluluwa,
Isang panahon ng malinaw na pagningning,
Upang magsaya pagkatapos ng ulan. —Cowper
Kung pakiramdam mo na ang iyong pananampalataya ay nanghihina, bumalik sa kung saan mo tinalikuran ang pagiging pagkamasunurin sa Panginoon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nais naming hikayatin ka sa isang masinsinan, araw-araw, puso-sa-puso na relasyon sa Diyos. Milyun-milyong mga mambabasa sa buong mundo ang nagsisimula na sa kanilang pang araw-araw na debosyon gamit ang Our Daily Bread para sa mga sandali ng tahimik na pagmumuni-muni. Sa loob lamang ng ilang minuto sa bawat araw, ang mga nakapagbibigay inspirasyong mga kuwentong kayang magbago ng ating buhay ay itutuon ang iyong pansin sa iyong makalangit na Ama at ang karunungan at mga pangako ng Kanyang walang hanggang Salita.
More
Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.odb.org/app