Our Daily Bread 15-Araw na EdisyonHalimbawa
Alam Niya ang Aking Pangalan
Nang dumalo kami sa isang malaking simbahan, natutunan namin ang mga bagong bagay, sumali kami sa isang maliit na grupo, at nasiyahan kami sa mga awiting pagsamba. Ngunit hindi ko napagtanto sa loob ng mahabang panahon na napalampas ko ang isang bagay—walang kaalaman ang pastor kung sino ako. Dahil sa libu-libong dumadalo, naunawaan kong imposible para sa kanya na makilala ang bawat tao sa kanilang pangalan.
Pagkatapos, nang magsimula kaming dumalo sa isang mas maliit na simbahan, nakatanggap ako ng welcome note mula sa pastor na isinulat pa niya mismo. Pagkatapos ng ilang linggo, tinatawag na ako ni Pastor Josh sa aking pangalan at nakipag-usap pa sa akin tungkol sa operasyong ginawa sa akin kamakailan lamang. Masarap sa pakiramdam na ako ay personal na kinikilala.
Lahat tayo ay may pagnanais na makilala—lalo na ng Diyos. Ang isang awit ni Tommy Walker, "He Knows My Name," ay nagpapaalala sa atin na alam ng Diyos ang lahat ng iniisip natin, nakikita ang bawat luhang pumapatak, at nakakarinig sa atin kapag tumatawag tayo. Mababasa natin sa Ebanghelyo ni Juan, "Pinapakinggan ng mga tupa ang Kanyang tinig; tinatawag Niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang pangalan. . . . Ako nga ang mabuting pastol; kilala ko ang Aking mga tupa" (Juan 10:3,14).
Para sa Nag-iisang gumawa ng langit at lupa, ang makilala ang ilang bilyong tao ay hindi problema. Mahal na mahal ka ng Diyos (Juan 3:16), Iniisip ka Niya sa lahat ng oras (Mga Awit 139:17-18), at alam Niya ang iyong pangalan (Juan 10:3). —Cindy Hess Kasper
Alam ng Diyos ang paikot-ikot na dinaraanan ko,
At bawat kalungkutan, pasakit, at kirot;
Ang Kanyang mga anak ay hindi Niya pababayaan—
Kilala at mahal Niya ang Kanyang mga anak. —Bosch
Walang Cristianong hindi kilala ng Diyos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nais naming hikayatin ka sa isang masinsinan, araw-araw, puso-sa-puso na relasyon sa Diyos. Milyun-milyong mga mambabasa sa buong mundo ang nagsisimula na sa kanilang pang araw-araw na debosyon gamit ang Our Daily Bread para sa mga sandali ng tahimik na pagmumuni-muni. Sa loob lamang ng ilang minuto sa bawat araw, ang mga nakapagbibigay inspirasyong mga kuwentong kayang magbago ng ating buhay ay itutuon ang iyong pansin sa iyong makalangit na Ama at ang karunungan at mga pangako ng Kanyang walang hanggang Salita.
More
Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.odb.org/app