Our Daily Bread 15-Araw na EdisyonHalimbawa
Mga Panalanging Nawala
Sa ulo ng balita ay mababasa: Mga Panalanging Hindi Nasagot: Mga Liham para sa Diyos Natagpuang Itinapon sa Karagatan. Ang mga liham, 300 lahat at ipinadala sa isang ministro sa New Jersey, ay inihagis sa karagatan, karamihan sa kanila ay hindi pa nabubuksan. Ang ministro ay matagal nang patay. Isang misteryo kung paanong nangyaring ang mga liham ay lumutang sa mga baybayin ng New Jersey.
Ang mga liham ay para sa ministro dahil nangako siyang mananalangin. Ang ilan sa mga liham ay humihingi ng mga bagay na walang kabuluhan; ang iba ay isinulat ng mga nagagalit na asawa, mga anak, o mga balo. Ibinuhos nila ang laman ng kanilang mga puso sa Diyos, at humihingi ng tulong para sa mga kamag-anak na lulong sa ipinagbabawal na gamot at alkohol, o para sa mga asawang nangangaliwa. Ang isa ay humingi sa Diyos ng isang asawa at ama na magmamahal sa kanyang anak. Ipinagpalagay ng isang mamamahayag na lahat ng mga ito ay "mga panalanging hindi nasagot."
Hindi kaya! Kung ang sumulat ng mga liham ay umiyak sa Diyos, narinig Niya ang bawat isa sa kanila. Walang kahit isang tapat na panalangin ang hindi maririnig ng Kanyang mga tainga. "Hangad ko'y Iyong nababatid," sinulat ni David sa panahon ng kanyang kagipitan, "at ang daing ko'y Iyong dinirinig" (Mga Awit 38:9). Naunawaan ni David na maaari nating ipaubaya sa Panginoon ang lahat ng ating alalahanin kahit na walang ibang nananalangin para sa atin. Sa katapusan ay buong tiwala niyang sinabi, "Dumaraing ako kapag mayro'ng bagabag, Iyong tinutugon ang aking pagtawag" (86:7). —David Roper
Ang Diyos ay nangako sa iyo
Na diringgin at sasagutin ang mga panalangin;
Diringgin Niya ang iyong hinaing
Kung ipagkakatiwala mo sa kanya ang inyong alalahanin. —Bernstecher
Naririnig ni Jesus ang ating pinakabanayad na sigaw.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nais naming hikayatin ka sa isang masinsinan, araw-araw, puso-sa-puso na relasyon sa Diyos. Milyun-milyong mga mambabasa sa buong mundo ang nagsisimula na sa kanilang pang araw-araw na debosyon gamit ang Our Daily Bread para sa mga sandali ng tahimik na pagmumuni-muni. Sa loob lamang ng ilang minuto sa bawat araw, ang mga nakapagbibigay inspirasyong mga kuwentong kayang magbago ng ating buhay ay itutuon ang iyong pansin sa iyong makalangit na Ama at ang karunungan at mga pangako ng Kanyang walang hanggang Salita.
More
Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.odb.org/app